Sunday, October 06, 2019

Don't get FAT.

Huwag Magpataba Para Iwas Sakit
Payo ni Doc Willie Ong



Alam natin na ang pagkain nang labis ay talagang nakasasama.
Ang blood sugar natin ay tataas kung kakain ng marami. Kung kumain ka ng sobrang karne, maaari rin magkaroon ng mas maraming nakalalason na sangkap na tinatawag na "free radical," na maaaring maging sanhi ng cancer.

Kung kumain ka lamang ng sapat, ang iyong katawan ay maaaring makakuha ng maraming mga benepisyo sa kalusugan. Ang iyong presyon ng dugo, blood sugar levels at cholesterol level ay malamang na bumaba. Ang pagbaba ng timbang ay maaaring magpababa sa panganib na magkaroon ng sakit sa buto (arthritis) at marami pang ibang sakit.

Ang konsepto ng pagkain ng kaunti ay hindi pareho na ginugutom mo ang iyong sarili at pagiging kulang sa mga sustansya. Ang sikreto ay ang pagkain ng mataas sa nutrisyon at mababa sa calories. Ibig sabihin nito na kumain ng masustansyang pagkain.

Kumain ng mga gulay, prutas, isda at beans. Ang mga itlog, tinapay at fiber cereals ay pwede din.

Subukang iwasan ang pagkain ng sobrang karne ng baka, baboy at matatamis. Limitahan ang pagkain ng mga candies, gravies, cream at icings.

Maaaring bawasan ang puting kanin at palitan ng masustansyang gulay tulad ng repolyo, kangkong, bean sprout, at broccoli. Kung karaniwang kumu-konsumo ng dalawang tasa ng kanin, bawasan ito sa 1 tasa.

Kumain ng mas madalas, pero kaunti lang. Ang isang saging, isang mansanas o isang piraso ng tinapay ay maaaring maging isang pagkain. Sa pamamagitan ng pagkain nang mas kaunti at mas madalas, ang iyong boold sugar ay hindi gaano tataas. Ang pagkain ng mas kaunti ay mas banayad din sa iyong katawan at maaaring makatulong na mabuhay ka nang mas mahaba.

No comments: