Dear Dalaga kong Anak,
Nabalitaan ko na naiinggit ka na magkajowa. Alam kong galit ka bakit di ako pumapayag muna. Hayaan mong basahin muna ang liham kong ito.
Ayokong dumating ang panahon na mainggit ka sa iba mong kaibigan. Sila graduate, may magandang trabaho, nakakasabay sa mga uso, talagang inenjoy nila ang pagiging dalaga nila pagkagraduate. Ineenjoy nila yung sahod nila. Nakaka travel goals pa nga, nabibili ang gusto. Ang ganda ganda, ang gagara ng kasuotan. Yung tipong dating uhugin ngayon bigtime na.
Ayokong makikita kitang nagsisisi dahil nasa bahay ka lang, nag aalaga ng tatlong bata, stress at pagod na feeling mo katulong ka lang, di alam kung saan kukuha ng pera, tapos yung tatay ng mga anak mo irresponsable pa, panay inom, panay barkada, maliit pa sweldo na lalong nakaka irita dahil kulang na kulang ang kanyang sweldo. Tapos kakatok ka sa amin, sa mga kapatid mo, sa mga kaklase mo, sa mga kaibigan mo para mangutang o manghingi ng tulong. Wala ka na bang PRIDE? Gusto mong matahin ka na lang nila dahil sa nagpabuntis ka ng maaga? Paano kung di nya pinanagutan at tinakbuhan ka? Parang pinababa mo lalo ang sarili mo. Parang tingin mo sa sarili mo HOPELESS ka na at SOBRANG BABA na ng tingin mo sa iyong sarili at wala ka ng Dignidad na maipakita pa dahil no choice ka na!
Ayokong dumating din na nanliliit ka sa sarili mo lalo na kapag may reunion, get together, okasyon, dahil for sure magtatanungan yan kung "ANO KA NA BA NGAYON?" Parang hiyang hiya ka sa sarili mo na wala kang achievements. Wala kang ipagmamayabang para man lang maboost ang iyong moral.
Ayokong dumating na tanungin ka ng mga anak mo na "Ma, bakit tayo mahirap? Ma, bakit tayo laging walang pera? Ma, bakit wala tayong pambayad sa project sa school? Ma, bakit yung iba kong mga kaklase ang gagara ng kanilang pamilya bakit tayo laging kapos na kapos? At ang pinakamasakit na makikita ko ay yung nasisiraan ka na ng bait dahil wala kang pambayad sa ospital dahil may sakit ang iyong anak.
Ayokong dumating na IIWAN MO ANAK mo para pumunta ng ibang bansa dahil nakikita mo silang gutom na gutom na. Hangga't maaari sana nag-abroad ka muna bago ka bumuo ng pamilya para di mo na kailangan lumayo sa kanila.
Ayokong dumating ka sa Punto na puro pagsisisi, pagdurusa, pag ka inggit, pagka bitter ang nararanasan mo.
Ayokong dumating masira ang buhay mo at ng mga anak mo. Kaya ako ay nagpapaalala sa iyo.
Ang desisyon mo at determinasyon mo sa buhay ang makakapagpabago sa iyong kinabukasan.
Kaya kung napagdesisyunan mo na mahalin sya kahit wala syang trabaho, kahit alam mong lasenggo sya o may bisyo, kahit bata ka pa at di nakapag aral... Yung uunahin mo ang lovelife, bago ang LOVE YOUR LIFE, Wala na akong magagawa sa iyong kapalaran.
Lahat may perfect timing. Kapag handa ka na sa lahat. Matured ka na. Marunong ka ng kumilatis ng lalaki. May STANDARD ka na sa pagpili. Yung kaya mong tumayo sa sarili mong paa. Yung alam mo ang mga karapatan mo bilang babae... Magiging panatag na ang aking kalooban.
Nagmamahal,
Mommy Cha
No comments:
Post a Comment