Ang iba’t ibang uri ng ubo ay nakadepende sa kung gaano ito katagal at sa mga sintomas na nararanasan.
Kung ang ubo ay biglaan at tumatagal lamang ng hanggang 2 linggo, ito ay acute. Kung ito naman ay tumatagal ng higit pa sa 2 linggo, ang ubo ay tinatawag na chronic.
Ang ubo rin ay maaaring non-productive o mas kilala bilang dry cough, o kaya nama’y productive o ubo na may kasamang plema.
Ano sayo maplema ba o tuyong ubo?
SINO ANG MAAARING MAKARANAS NG UBO?
🔴 Gaya ng sipon, ang ubo ay isang karaniwang sakit na maaaring maranasan ng lahat ng tao.
🔴 Wala itong pinipiling edad o kasarian, bagaman pinakamataas ang mga kaso nito sa mga kabataan na nasa paaralan.
🔴 Higit ding naaapektohan ang mga taong may mabababang resistensya at naninigarilyo.
Ang ubo ay sintomas ng napakaraming sakit na kadalasan ay mga karamdaman sa baga at sa daluyan ng paghinga.
Ito ay maaaring magtagal ng ilang oras hanggang ilang linggo, depende sa kung ano ang naging sanhi ng ubo.
Narito ang ilan sa mga seryosong sakit na madalas na dahilan ng pag-ubo:
• Bronchitis
• COPD o Chronic obstructive pulmonary disease
• Emphysema
• Kanser sa baga
• Laryngitis
• Tuberculosis
Ang mga tao na nakakaranas ng mga karaniwang sakit gaya ng asthma, allergies, pulmonya, sipon, trangkaso, at whooping cough ay madalas ding nagkaka-ubo.
Ngunit bukod pa sa mga ito, ang taong aksidenteng nakalanghap ng bagay na nakakairita sa lalamunan o yung mga kaso na nabilaukan ay makaranas din ng tuloy-tuloy na pag-ubo hangga’t hindi nailalabas ang sanhi ng ubo.
TANDAAN:
Ang impormasyon na nakapaloob dito ay para lamang sa mga layuning pang-edukasyon at hindi kapalit ng payo, diagnosis o paggamot ng isang lisensiyadong manggagamot. Dapat kang humingi ng mabilis na pangangalagang medikal para sa anumang mga isyu sa kalusugan. Bisitahin ang iyong doktor.
Salamat po.
Gabay sa Kalusugan Tip
Sa mga may productive cough o ubong maplema at nahihirapan idura ito, walang masama kung lunukin. Ehw... ang bahoy daw, pero medically wala pang namatay sa paglunok ng sariling plema. Yung acido ng ating sikmura ay kayang tunawin yan at sasama na lang sa pag-ebs yun. Di ko lang alam epekto kung plema ng iba yung nilunok. Walang pang study na ganun. ðŸ¤
COLOR CODING NG PLEMA
Ang bawat kulay ng plema ay may katumbas na dahilan na maaaring makatulog sa pagsuri ng kalagayan ng katawan.
🤠Ang puti o walang kulay (white or clear) na plema ay senyas ng mabuting kalusugan. (Normal lang yan)
🤠Ang dilaw (yellow) na plema ay senyas na ang katawan ay kasalukuyang lumalaban sa impeksyon. (Kadalasan virus ang dahilan)
🤠Ang berdeng (green) plema ay senyas na mas malala na ang impeksyon sa katawan. (Kadalasan bacteria ang dahilan)
🤠Kadalasang pag berde (green) ito ay senyales na lalong dumarami ang plema na nililikha ng katawan. Ang berdeng kulay ay nanggagaling sa enzyme na myeloperoxidases na kulay berde rin.
🤠Ang kulay abo (gray) ang karaniwang inilalabas ng katawan kapag may asthma at chronic obstructive pulmonary disease o pababalik-balik na ubo.
🤠Ang kayumangging (brown) plema ay kadalasang nakikita sa mga naninigarilyo. Ang plema ay may kahalong resin na nanggagaling sa tabako. Ang pag-inom din ng red wine at pagkain ng tsokolate ay maaring makadulot ng kayumangging kulay sa plema. Gayundin ang paghigop ng maraming alikabok.
🤠Ang plema na kulay dugo (bloody red) ay maaaring dahil sa pamamaga ng mucus membranes sa bronchi at lalamunan. Subalit kapag maraming plema na may kulay dugo ang inilalabas ng katawan, ito ay maaaring maging sintomas ng bronchitis, tuberculosis o pulmonary embolism. At posible din na may kinalaman sa sakit sa puso (conestive heart failure) pag medyong frosty red or pink color.
🤠Pag kulay lila (violet) o kahel (orange) malamang kumain ng kendi o uminum ng colored juice yan. Walang ganung plema. 😆
Note:
Ano pa hinihintay niyo dura na para magkaalaman na. 😊
TANDAAN:
Ang impormasyon na nakapaloob dito sa Gabay sa Kalusugan - Pahina ng Kalusugan ay para lamang sa mga layuning pang-edukasyon at hindi kapalit ng payo, diagnosis o paggamot ng isang lisensiyadong manggagamot. Dapat kang humingi ng mabilis na pangangalagang medikal para sa anumang mga isyu sa kalusugan. Bisitahin ang iyong doktor. Salamat po.
No comments:
Post a Comment