Tuesday, February 25, 2020

Chest x-ray

Yan ang chest x-ray result ng isang pasyente ko kaninang umaga. Yung white spot sa itaas, bandang kaliwa ay bukol na kasing laki ng kamao. One year ago ang sukat niyan ay parang sininguelas lang. Kaso wala naman daw nararamdaman kaya hinyaan lang maski pinayuhan na noon na ipa-biopsy.

Hanggang itong January kung kailan siya ay inubo at sumuka ng dugo tsaka lang nagpa-biopsy. Ang resulta small cell carcinoma, isang uri ng lung cancer na very aggressive, mabilis lumaki at kumalat. Ang medical history ng pasyente ay smoker mula daw teenager at tumigil kamakailan lang. Sa ngayon isa lang payo ng mga kinunsulta niyang doktor, chemotherapy.

Ngunit sa anumang personal na dahilan ayaw ni Sir magpa-chemo. Kaya pinayuhan ko ng mga supportive management.

Ang lung cancer kadalasan by the time na may nararamdaman ang pasyente nasa stage 3 o 4 na. Kaya regular o annual check up with chest xray ay mahalaga for early detection and treatment.


No comments: