Just sharing...
A few years ago, naimbitahan ako as guest speaker sa isang association of young entrepreneur (mga edad 25 to 45 years old ang audience). Ang topic na request nila ay "Staying Healthy"
Dinner lecture yun at may red wine and beer served after dinner for all. I noticed na habang nagsasalita na ako may isang group of young men talking and laughing while I was seriously discussing. Ang ginagawa ko I paused for a while, then lumapit ako sa group at tinanong ko kung anong mga age nila. At kung naninigarilyo at umiinum ba sila ng alak. Between 27 to 30 age nila at may ibang naninigarilyo pero lahat umiinum.
I told them, bata pa kayo at masarap may barkadang kainuman syempre may pulutan na crispy pata o chicharon bulaklak, sabay yosi at lalo na kung may chika babes pa! Wow super enjoy noh! Tuwang tuwa mga loko.
Pero dinuktong ko na, imagine niyo na pag-isa sa inyo nagkaroon ng sakit tulad ng nagka-stroke; heart attack; liver cirrhosis; lung cancer; at iba pang palubhang sakit... ikaw at buong pamilya mo lang ang mahihirapan. Ang barkada mo hindi mo maaasahan mag-alaga sayo; hindi mo katabi sa kama para abutan ka ng isang basong tubig o gamot, hindi mo kasama barkada mo sa pagpapatingin sa doktor, hindi mo rin kasama barkada mo para alalayan ka papuntang CR, hindi ka rin paliliguan niyan, hindi yan magbabayad ng mga gastusin, at kung may anak ka hindi rin barkada mo magpapaaral sa bata, at madami pang iba. Ang malamang na gawin ng barkada mo magpadala ng fruits basket o sabihin sayo na... "Bro don't worry I'll pray for you."
So please listen to my lecture. Set your priorities. Maski successful businessmen kayo, at graduate sa mga exclusive school wala rin yan kung di niyo pinapahalagahan health niyo kayo rin kawawa dinamay niyo pa buong pamilya niyo.
And they all kept quiet and listened to my talk attentively. Some people need to be hit real hard with reality.
Just sharing for whatever it may worth. 😊
No comments:
Post a Comment