Tuesday, February 04, 2020

Ubo

Kung pinapahirapan na kayo ng inyong pag-ubo doon lang maaaring simula ang pag-inum ng gamot.

May tatlong uri ng gamot laban sa ubo na nabibili sa botika.
(For Educational Purposes Only)

😷 Antitussive

Ang antitussive ay isang uri ng gamot na pumipigil sa ubo. Ito ay kadalasang inirerekomenda kung ang ubo’y nakakasagabal sa pagtulog o nagiging dahilan ng pagiging hindi komportable ng isang tao sa araw-araw niyang gawain. Ito rin ay madalas na ihinahalo sa expectorant para sa mas epektibong lunas. Ang karaniwang halimbawa ng antitussive drug ay dextromethorphan.

😷 Expectorant

Ang expectorant ay isang uri ng gamot na kumukontra sa ubo. Tinutulungan nitong ilabas ang plema na bumabara sa iyong lalamunan na siya ring nagdudulot ng iyong ubo. Ito ay kadalasang inirerekomenda sa mga ubong may halak, o iyong pumuputok. Ang kilalang halimbawa ng gamot nito ay ang guaifenesin.

😷 Mucolytic

Ang uri ng gamot na ito ay tumutulong sa paglalabas ng plema. Pinalalambot nito ang makapal at malagkit na plema na syang humaharang sa daluyan ng hangin, upang ito’y mas madaling ilabas at tuluyang mawala ang ubo. Karaniwang halimbawa niyo ay ang Ambroxol at Carbocistine.

TANDAAN:
Ang impormasyon na nakapaloob dito ay para lamang sa mga layuning pang-edukasyon at hindi kapalit ng payo, diagnosis o paggamot ng isang lisensiyadong manggagamot. Dapat kang humingi ng mabilis na pangangalagang medikal para sa anumang mga isyu sa kalusugan. Bisitahin ang iyong doktor. Salamat.

For more health info please visit Gabay sa Kalusugan - Dr. Gary Sy. Thank you.
https://www.facebook.com/drgarysy/

No comments: