Saturday, February 08, 2020

Immune system.

Ano ang posibling dahilan ng panghihina ng Immune System?

Kapag ang dugo natin ay loaded lage ng toxins manghihina ang pangunahing tagapagsala ng dugo (liver, kidney at spleen).

Maruming bituka (maraming parasites, at iba't ibang uri ng germs). Sa bituka nagmumula ang napakaraming toxins na lumalason sa dugo.

Kapag ang lymphatic drainage natin ay barado (namamagang lymph nodes at spleen o ang pagkakatanggal ng mga ito)

Pagkamatay ng mga good bacteria dahil sa pag-inom ng antibiotics.

Kulang sa nutrisyon

Pagkain at pag-inom ng mga masasama sa katawan tulad ng madalas na pagkain ng food na gawa sa harina, junk food, instant food, fast food, sweets, coffee, softdrinks, processed food tulad ng longanisa, hotdog etc., mga inihaw na pagkain sa uling at prito na paulit-ulit etc.

Kakulangan ng mga enzymes na tutunaw sa pagkaing kinain natin mula sa: liver (bile), pancreas (pancreatic enzymes) at sa stomach (pepsin at hydrocloric acid). Kailangan ito para mapakinabangan ng katawan ang mga nutrients sa pagkaing kinain natin.

Pagkakaron ng parasites o bulate

Kulang sa tulog

Pagkaka-expose lagi sa polluted air o polusyon

Hindi nakakapagpasikat sa araw

Walang ehersisyo

Stress, may galit, laging malungkot at nag-iisip (malaki ang kinalaman ng emosyon sa ating immune system)

Butas na bituka o leaky gut syndrome dahil sa pagdami ng fungus o candida albicans.


No comments: