Saturday, February 01, 2020

Sumunod..

Follow Your Heart

Sundin niyo ano nasa loobin niyo at paniwalaan kung ano sa tingin niyong tamang balita.

Daming matalino sa social media. Pinakamadami sa Pilipinas. Iba’t ibang kuru-kuro. Lahat magaling!

Para sa akin yung questioning kasi ng media pag may presscon ang may konting problema. More on exaggeration o sensationalized journalism nangyayari. Type of editorial bias in mass media in which events and topics in news stories and pieces are overhyped to present biased impressions on events, which may cause a manipulation to the truth of a story. Yung kakagatin ng masa o mag viral o maka-scoop ang intention instead of delivering public information & awareness. Of course, hindi naman po lahat ganun. Opinion ko po lang ulit yan. 😊

Halimbawa:
Nasunugan
Ano po nararamdaman niyo ngayong nawalan na kayo ng bahay?

Namatayan
May gusto ba kayong sabihin sa kanya kung napapanood niya tayo ngayon?

Nagkasakit
Kung alam niyong magkakaroon ka ng lung cancer dahil sa yosi maninigarilyo ka pa rin ba?

Anak ng paniking tanong yan! 😆😆😆

Mula ngayon pass na ako sa pagbigay ng personal opinion ko dito. Bahala na po kayo sa buhay niyo. Hahaha 😆

Biro lang syempre. Lab ko kayo eh. ❤️

Ganito na lang, pag hindi ko gusto comment niyo lalo na pag bastos ban for life agad sa page ko.

Ban niyo kalahi ko, Ban ko rin kayo! Hahaha 🤣🤣🤣

No comments: