Monday, November 02, 2026

Ang lesson ni ate Gay.

 Ang Lesson ni Ate Gay sa Atin:
Hindi na niya hinintay na mamatay siya para mahalin.
Last month, gumawa siya ng sarili niyang buhay na lamay.
Imbes na kabaong ang nasa harap, siya mismo ang nakaupo.
Imbes na iyakan, tawanan at pasasalamat.
Imbes na "rest in peace", narinig niya mismo habang buhay pa siya ang "thank you, we love you."
At ngayong wala na siya, panatag siya. Kasi alam niyang mahal siya.
Ano ang tinuturo niya sa atin?
Sabihin mo na ngayon.
Wag mo nang hintayin na magkasakit, lumayo, o mawala. Yung "Mahal kita, Nay, Tay" "Proud ako sayo" "Salamat" — sabihin mo na habang may oras pa.
Huwag tipirin ang pagmamahal.
Minsan ang dami nating pera pang-bulaklak sa patay, pero ang hirap magbigay ng oras sa buhay. Baliktarin natin.
Ang kamatayan, hindi nakakatakot kung naging totoo ka sa buhay.
Kahit bata, matanda, iba-iba ang kwento ng kamatayan. Pero ang kwento ng pagmamahal, ikaw ang gagawa habang buhay ka pa.
Kaya ang tanong ni Ate Gay sa atin ngayon:
"Sino yung gusto mong pasalamatan habang naririnig ka pa niya?"

No comments: