Kung ikaw ay 60 years old pataas o may magulang na senior citizen, narito ang gabay kung paano magparehistro sa online database ng National Commission of Senior Citizens (NCSC).
STEP 1: BISITAHIN ANG OFFICIAL WEBSITE
Pumunta sa https://www.ncsc.gov.ph/
Siguraduhing official website ang binubuksan upang maiwasan ang mga pekeng registration links.
STEP 2: I-CLICK ANG REGISTER NOW
Hanapin ang "Register Now!" button sa homepage ng NCSC.
STEP 3: BASAHIN AT TANGGAPIN ANG MGA KUNDISYON
Lagyan ng check ang "I accept..." box at pindutin ang "Proceed" upang magpatuloy.
STEP 4: SAGUTAN ANG ONLINE SENIOR CITIZEN DATA FORM (SCDF)
Ilagay ang hinihinging impormasyon tungkol sa senior citizen, kabilang ang:
- Buong pangalan at personal information
- Petsa ng kapanganakan
- Tirahan at contact information
- Educational background
- Health information
- Economic profile at iba pang hinihinging detalye
STEP 5: I-UPLOAD ANG LARAWAN AT VALID ID
Maghanda ng malinaw na litrato at scanned o captured image ng iyong OSCA Senior Citizen ID.
Kung wala pang OSCA ID, maaaring gumamit ng ibang valid government ID na nagpapakita ng buong pangalan, address at birth date.
STEP 6: ILAGAY ANG PERSONAL KEY NUMBER (PKN)
Pumili ng iyong Personal Key Number (PKN). Itago ito dahil ginagamit sa pag-access at pag-verify ng iyong registration record.
STEP 7: I-REVIEW ANG LAHAT NG IMPORMASYON
Siguraduhing tama ang pangalan, birthday, address at iba pang detalye bago isumite.
STEP 8: I-CLICK ANG SUBMIT
Kapag kumpleto na ang form, pindutin ang Submit button at hintaying matagumpay na maipadala ang iyong registration.
STEP 9: ITAGO ANG REGISTRATION REFERENCE NUMBER (RRN)
Kapag successful ang online submission, bibigyan ka ng Registration Reference Number (RRN). I-save o isulat ito para magamit sa pag-verify ng iyong registration.
- Libre ang NCSC online registration.
- Hindi kailangang magbayad sa fixer o anumang tao para magparehistro.
- Kung may problema sa internet o transmission error, subukang isumite muli ang form.
- Kung walang internet access, maaaring magpatulong sa OSCA sa inyong lokal na pamahalaan.
TANDAAN: Ang NCSC online registration ay para sa pagbuo ng national database ng senior citizens. Hindi garantiya ang pagpaparehistro na awtomatikong makakatanggap ng pension o cash assistance.
I-SHARE ang gabay na ito upang makatulong sa ating mga senior citizens!
DISCLAIMER: This post is for educational and informational purposes only. We are not affiliated with or officially connected to the National Commission of Senior Citizens (NCSC) or any government agency. Please verify all registration procedures and requirements through the official NCSC website: https://www.ncsc.gov.ph/
●PAALALA SA MGA SENIOR CITIZENS:
Mag-ingat sa mga pekeng registration links at huwag basta magbigay ng personal information sa hindi beripikadong websites o Facebook accounts.
No comments:
Post a Comment