Well, that’s expected!
Because in cross-examination, there is one very important rule that every trial lawyer should remember.
EXPECT THE UNEXPECTED!
Kahit gaano ka kagaling na abogado, kahit gaano ka kahusay mag-prepare ng witness, at kahit ilang oras ninyong paghandaan ang cross-examination, hindi mo kayang i-predict lahat ng itatanong ng opposing counsel.
Meron at merong lalabas na tanong na hindi ninyo napaghandaan.
So, how do you deal with that?
Simple lang.
Ako, sa halos 25 years kong pagiging trial lawyer, kapag nagpe-prepare ako ng witness for cross-examination, ito ang isa sa pinakamahalagang bilin ko.
KAPAG MAY TANONG NA HINDI MO IN-EXPECT, JUST TELL THE TRUTH!
Sabihin mo lang ang totoo. Kahit sa tingin mo makakasama sa kaso natin ang sagot mo, sabihin mo pa rin ang totoo.
Kami ng mga abogado ang bahalang humarap sa legal consequences ng sagot mo. Trabaho namin yan.
Dahil mas madaling harapin ang isang katotohanang hindi pabor sa kaso kaysa ipagtanggol ang isang witness na halatang nagsisinungaling.
Remember, sa cross-examination, hindi lang ang sagot ng witness ang sinusuri. Pati ang kanyang credibility.
At kapag nahuli kang nagsisinungaling sa isang bagay, kahit maliit pa yan, maaari nang pagdudahan ang buong testimony mo. Mawawala ang credibility ng witness.
Mukang hindi yan na-explain kay City Assessor. Kaya ayun, nagsinungaling. Hindi daw matandaan kung pumunta nga siya sa China. Ubos tuloy ang credibility.
Photo credits: TV5 News.
No comments:
Post a Comment