Tuesday, November 10, 2026

Libangan ang pagiging tanga.

SA PINAS KA MAGIGING TANGA DAHIL SA SISTEMA 

REAL TALK LANG KUNG BAKIT ANG TALINO NG PINOY PAG NASA ABROAD NA

Hindi bobo ang Pinoy tol. Ginagawa lang tayong bobo ng sistema.

SA PINAS, TINUTURUAN KANG MAMALIMOS, HINDI MATUTO.

Simula bata ka pa lang, sistema na nagtuturo sayo maging tanga.

Sa eskwela - kabisote ka dapat. Memorize mo. Hindi ka tinuruan mag-isip, tinuruan kang sumunod lang. Pag nagtanong ka, masama ka. Pag sumagot ka ng iba sa libro, mali ka.

Pag laki mo, gobyerno naman magtuturo sayo na umasa sa ayuda. 1k ayuda. 2k ayuda. Pila ka buong araw para sa 1k. Tapos matutuwa ka pa.

Hindi ka tinuruan ng sistema kung paano kumita ng 1k araw-araw. Tinuruan ka kung paano pumila para sa 1k isang beses isang taon.

Kaya pag nasa Pinas ka, tanga ka. Hindi kasi kulang ka sa talino. Kulang ka sa sistema na magpapa-talino sayo.

SA PINAS, PAG MASIPAG KA, LALO KANG GAGAWING TANGA.

Magtrabaho ka ng 12 hours, sahod mo 500. Pag nagreklamo ka, sasabihin "buti ka nga may trabaho."

Mag-business ka ng maliit, hahanapan ka ng permit, ng barangay clearance, ng BIR, ng kung ano-ano. Yung tubo mo 2k, bayad mo sa permit 5k. Lugi ka pa.

Kaya yung masipag sa Pinas, nagmumukhang tanga. Kasi kahit anong kayod, hindi yumayaman. Yung tamad na may kapit sa pulitiko, siya pa mayaman.

Sistema yan tol. Sistema na ginagawang tanga yung masipag para yung tamad na nasa taas manatili sa taas.

Kaya pag napunta Pinoy sa abroad, biglang yaman. Biglang talino. Kasi sa abroad, pag masipag ka, may bayad. Sa Pinas, pag masipag ka, may dagdag na trabaho pero walang dagdag na bayad.

SA PINAS, GINAGAWANG LIBANGAN ANG PAGIGING TANGA.

Tignan mo TV sa Pinas. Anong pinapalabas? Budol. Chismis. Sampalan. Iyakan. Walang aral.

Tignan mo social media sa Pinas. Anong viral? Sayawan na walang kwenta. Away ng artista. Scandal.

Hindi ka bibigyan ng sistema ng matututunan mo para yumaman. Bibigyan ka ng libangan para makalimutan mong mahirap ka.

Para habang nanonood ka ng budol sa TV, hindi mo napapansin na binubudol ka na ng gobyerno.

Para habang busy ka kakasayaw sa TikTok, hindi mo napapansin na wala ka nang makain bukas.

Ginagawa kang tanga ng paulit-ulit na walang kwentang content, para hindi ka mag-isip. Kasi pag nag-isip ang Pinoy, delikado sa sistema.

SA ABROAD, BIGLANG TATALINO ANG PINOY - KASI WALA NA YUNG SISTEMA NG PINAS.

Bakit pag OFW, biglang nakakapagpatayo ng bahay? Biglang nakakapag-ipon? Biglang nakakabili ng kotse?

Bobo ba siya dati sa Pinas? Hindi.

Nawala lang siya sa bulok na sistema.

Sa abroad, walang "pakisama" kaya ka ma-promote. Skills ang labanan.
Sa abroad, walang "pahingi naman" na kamag-anak na uubos ng ipon mo.
Sa abroad, walang pulitikong hihingi ng lagay pag magbi-business ka.
Sa abroad, yung 8 hours mo, 8 hours talaga bayad. Hindi 8 hours tapos 4 hours free overtime.

Kaya tumatalino Pinoy sa abroad. Kasi sa wakas, yung talino niya nagagamit na sa tama. Hindi na siya pinipigilan ng sistema.

KAYA HINDI TAYO BOBO. BIKTIMA TAYO.

Wag mong sabihin na bobo ka kasi mahirap ka sa Pinas.

Hindi ikaw ang bobo. Sistema ang bobo. At sinasadya nilang gawin kang bobo para manatili kang mahirap at sunod-sunuran.

Ang Pinoy, matalino yan. Madiskarte yan. Masipag yan. Kaya nga kahit saan sa mundo, hinahanap ang Pinoy eh.

Pero sa sariling bansa niya, ginagawa siyang tanga. Kasi pag tumalino lahat ng Pinoy sa Pinas, sino pa boboto sa pulitikong bobo? Sino pa manonood ng budol sa TV? Sino pa pipila sa ayuda?

Kaya kung nasa Pinas ka at pakiramdam mo nagiging tanga ka na - hindi ikaw may problema. Sistema may problema.

At kaya maraming gustong umalis ng Pinas hindi dahil ayaw nila sa Pinas. Gusto lang nila tumalino ulit. Gusto lang nila maranasan na yung talino at sipag nila, may patutunguhan.

Kasi sa Pinas tol, kahit gaano ka katalino, pag bulok sistema, magiging tanga ka talaga.

Pero pag umalis ka sa bulok na sistema, babalik talino mo. At dun mo mapapatunayan na hindi ka pala bobo. Ginawa ka lang bobo ng Pinas.

#hosonpoint #hustleoverslavery

No comments: