AMILYAR SA IMUS CITY, CAVITE TUMAAS NG 300%
Umalma ang mamamayan ng Imus City, Cavite pagkatapos pinatupad ang bagong rate ng property tax o amilyar sa kanilang lungsod. Ayon sa datos na nakalap ng Philippine Star Ngayon, tumaas ng 300% ang amilyar sa ilang bahagi ng Imus. Nabahala ang mga Imuseño nang ganoon nalamang kataas ang bagong pataw na buwis sa kanila.
Ang nasabing pagtaas ay alinsunod sa Sangguniang Panlungsod ng Imus Ordinance No. 05-230 Series of 2023, na sinulong ni first-term Mayor Alex L. Advincula. Ito ay pagkatapos ng isang malakihan revision sa Schedule of Fair Market Value (SFMV) ng mga ari-arian sa lungsod.
Isang halimbawa rito ay sa Malagasang-Bucandala-Alapan Bypass at New Imus Boulevard na tumaas mula Php 800 per square meter na naging Php 16,800 na ngayon o 2,000% na pagtaas. Ngunit, ang pinakamataas na pag-angat ay sa Vermosa Commercial Lots sa Daang Hari Road na umabot ng 2,300% o mula Php 900 per square meter noong 2011, naging Php 21,600 na noong 2024. Ang assessed land valuation ay nagiging basehan para sa amilyar, na halos trumiple sa ilang bahagi ng Imus.
Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/probinsiya/2025/01/30/2417841/taas-singil-sa-amilyar-sa-imus-city-iniaangal
No comments:
Post a Comment