"Pa, wala na pong bigas."
"Pa, ubos na po ang sabon."
"Pa, wala na pong uling."
"Pa, paubos na ang gasul."
"Pa, pabili po ng gamot."
"Pa, paabono po sa pang-tuition."
"Pa, may lagnat po si bunso."
"Pa, pambili po ng notebook at ballpen."
"Pa, pamasahe po bukas."
"Pa, andito na po yung bayarin sa kuryente at tubig."
Madalas tayong humingi kay Papa, pero kahit pagod at walang-wala na siya, ginagawa niya ang lahat para sa pamilya nang walang reklamo—dahil mahal niya tayo.
Bago ka magreklamo o magtanong kung bakit hindi natupad ang gusto mo, isipin mo: Nakapagpasalamat ka na ba kay Papa? Naiparamdam mo na ba sa kanya ang pagmamahal mo?
Ang hinihingi lang niya ay respeto at pagmamahal—ibigay mo nang buo, dahil si Papa, ibinigay na niya ang lahat para sa'yo.❤️
No comments:
Post a Comment