Friday, February 21, 2025

Ano ba ang Edsa revolution?

Hindi lang tungkol kay Ninoy ang Edsa. Hindi naman umiikot ang mundo sa kaniya. Dihamak na mas maraming pangalan na di kilala ang bigla na lang nawala at natagpuang bangkay na. 


Ito ang ilan sa kanila:

π€π‘π‚π‡πˆπŒπ„πƒπ„π’ π“π‘π€π‰π€ππŽ, bente-uno

Studyante ng MapΓΊa University

Luray-luray ang katawan nang matagpuan sa daan. May mga ebidensyang matagal siyang pinahirapan bago tuluyang nalagutan.


π‹πˆπ‹πˆπŽπ’π€ π‡πˆπ‹π€πŽ, bente-tres

Studyante ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (University of the City of Manila)

Mahigpit na kritiko ng diktadura. Dinukot na lang bigla. Ilang araw ang lumipas, dineliver siyang bangkay sa pamilya niya:

-Puro pasa ang katawan

-Tadtad ng paso ng sigarilyo hanggang kasingitsingitan

-Sinalbahe pati maselan na bahagi ng kaniyang pagkababae


𝐄𝐃𝐆𝐀𝐑 π‰πŽππ’πŽπ, trentay kwatro

Studyante ng Ateneo de Manila University

Sa pagtutol sa Martial Law, sinugod ng mga sundalo.

Pinagbabali ang buto saka binaril sa ulo.


Kaya bago ka magTiktok, bago mo babuyin ang pagkababae ni Leni at ni Kris, o bago mo balahurain sina Ninoy, Noynoy at Cory—maisip mo sana, hindi yan libre. 

Hindi libre ang demokrasya at kalayaan. May bayad yan.

Binayaran yan ng dugo ng mga tulad ni Edgar Jopson, Liliosa Hilao at Archimedes Trajano.

Kaya may Edsa di para sambahin ang mga Aquino.

Kaya may Edsa dahil MAKAKALIMUTIN tayo.




No comments: