Monday, March 17, 2025

Asan ang hustisya.

 BAKIT HINDI NAKAKULONG SI IMELDA? 


1. #Ninakaw ni Mang Juan: P20 ($.40) na “bentelog” — pritong itlog at kanin, na ninakaw dahil sa gutom. Si Imelda: sa kasong convicted siya, P35 BILLION ($680M) na dineposito sa mga Swiss bank. 


Si Mang Juan nagnakaw dahil sa gutom. Si Imelda nagnakaw dahil sa ganid. 


2. Walang #JusticeDelayed para kay Mang Juan: kinasuhan siya ng piskal nang pagnanakaw noong 2016. Di tumagal ang trial at may hatol kaagad. 


Ang kasong kriminal laban kay Imelda?


#LawyerDelayed ang ginamit na paraan para patagalin ang kasong sinampa noon pang 1991: nag-file ang mga abogado ni Imelda ng kung anu-anong motion para patagalin ang mga kaso, nagpalit ng higit sa limang beses ng abogado, hindi sumisipot sa Sandiganbayan at malinaw naghihintay lang ng panibagong Ombudsman, huwes sa Sandiganbayan at Supreme Court at Pangulo na ma-aaring lapitan ng kanyang ‘fixer’ na si Estelito Mendoza, and tagapag-rekomenda ng mga opisyal sa hukuman noong panahon ni Marcos bilang Justice Secretary ng diktador. [Ang resulta? Natapos ang prosecution mag-bigay ng ebidensiya noong 2015. Ganunpaman, kahit anong pagpatagal sa kaso ang ginawa ni Imelda, guilty pa rin at convicted si Imelda — pero 27 years pagkatapos naisampa ang kaso.]


May ganyan bang kapit si Mang Juan? 


3. #Bail o piyansa ni Mang Juan: P2,000 ($40) — hindi niya kayang bayaran. Kay Imelda? P130,000 ($2,500), na katiting lang sa $1.3M na ginastos niya sa isang araw na pagbili ng alahas noong 1978 sa Bulgari jewelry store sa New York. 


4. Nahatulang #guilty sa trial court si Mang Juan at dahil hindi makapag-piyansa, nakulong kahit puede pa siyang mag-apila. Ang mas masakit: 10 araw lang dapat ang sentensiya pero umabot ng tatlong taon sa kulungan si Mang Juan dahil walang abogado na nagbantay sa kanyang kaso. 


Si Imelda? #Guilty din at nahatulan ng 77 taon na pagkaka-bilanggo. Pero dahil may yaman [kahit ninakaw lang] nakapag-piyansa, nakapag-apila at ngayon naghihintay ng isa sa magiging pinakamalaking ‘areglo’ ng kasong kriminal sa history ng Pilipinas. Ngayon pa lang, natitiyak ko na nilalakad na ni Marcos Jr. ang pagkaka-convict ni Imelda. 


5. Ikumpara ang #NakawNaYaman at #nakawNiMangJuan : $10B ang sa mga Marcos samantalang pritong itlog at P20 kaning “bentelog” para sa mahirap at gutom. 


Bakit nakulong si Mang Juan? Dahil katulad nang maraming mahihirap na Pilipino — dilawan, pinklawan, DDS o Marcos loyalist, OFW o walang trabaho — na naghahanap ng katarungan, wala siyang kapit, fixer, at perang pangpiyansa, pangsuhol o pambili ng Facebook group at YouTubers na magpapakalat ng kasinungalingan na hindi nagnakaw si Mang Juan.


PERO ITO ANG ISIPIN NINYO: BIKTIMA RIN SI MANG JUAN NG PAGNANAKAW — pagnanakaw ng mga katulad nina Marcos, Cojuangco, Estrada, Arroyo at Duterte ng pera na dapat sana napunta sa nagugutom at mahihirap. May nakita ka na bang nakulong na malaking pulitiko at mga crony nito? 


BAKIT HINDI NAKAKULONG SI IMELDA? Dahil hanggang ngayon, mga mahihirap lang ang madaling mapakulong o patayin sa lansangan.


https://bit.ly/3uT89fb | https://bit.ly/3uT89fb

No comments: