Pilipinas kong mahal, hindi presidente kong mahal.
Pag bumoboto tayo, para sa bayan dapat, hindi para sa pulitiko.
Ang eleksyon hindi pagkakataong ipanalo ang kandidato mo kundi ang maitaguyod ang marangal at makatarungang lipunan.
Pag may programa, proyekto, o tulong ang gobyerno, utang na loob natin yan sa bayan at hindi sa kung sinong namamahala.
Pag nasa kapangyarihan tayo, nakalaan ang serbisyo sa bayan hindi sa mga nagbigay ng pabor.
Sa pakikialam sa lipunan hindi ang sariling kapritso ang nakataya kundi ang kapakanan ng kapwa lalo na yung mga nasa laylayan.
Wag sambahin ang lider, suportahan kung tama, panagutin kung mali!
We foster a government of the people, by the people, and for the people... not a government "off" the people, "buy" the people, and "poor" the people.
#StopThePoliticalDrama
#StopDeifyingPoliticians
#LetJusticeReign
COL. CABUNOC, NILINAW NA HINDI SAPAT ANG DAGDAG BENEPISYO PARA MAGKAROON SILA NG PERSONAL LOYALTY,
"ANG LOYALTY NATIN AY SA WATAWAT NG PILIPINAS, HINDI KAY MARCOS, AQUINO, O DUTERTE!"
No comments:
Post a Comment