Kahit pagsama-samahin mo yang tatlong Tulfo,
wala pa rin sila sa kalingkingan ng isang Espiritu.
Common na yung sabihin ng mga tao kapag may nakikita silang mali na, “Ipa-Tulfo na ‘yan!” na akala mo mga Tulfo ang end all and be all na solusyon kapag may naa-agrabyado.
So paano kung isang Tulfo ang may issue? Tulad na lang ng P60 million na DOT advertising contract that was awarded to Ben Tulfo’s media outfit noong presidente si Digong dahil conflict of interest given na ang kapatid nilang si Wanda Tulfo Teo ay DOT Secretary at that time. Or what about Erwin Tulfo submitting fake documents para maging ganap na American Citizen? Or what about Raffy Tulfo being the biggest YouTube earner dahil sa mga away-away na sa totoo lang ay mareresolba naman sa barangay.
Yang naming and shaming style na yan ng mga Tulfo, may nagagawa ba talaga yan para sa kapakanan ng karamihan o para lang talaga sa pansarili nilang interes at media mileage?
Kumpara natin yung tatlo kay Atty. Luke Espiritu.
1. While none of the Tulfos are lawyers, si Atty. Luke Espiritu ay nagtapos sa Ateneo Law pero piniling makibaka kasama ang manggagawa kesa magpayaman.
2. Bilang batang abogado noong 2000s, tumulong sa pagsulat ng petisyon laban sa abuso ng gobyerno, gaya ng iconic na Chavez vs. Gonzales case kung saan hiniling na ibasura ang tangkang pag-censor ni Gloria Arroyo hinggil sa Hello Garci tapes.
3. Tumulong organisahin ang mga kaanak ng mga biktima ng extrajudicial killings sa Escalante, Negros noong 2000s na nagpigil sa sunod-sunod na patayan sa lugar na iyon.
4. Tumulong organisahin ang mga mamamayan ng Indang, Cavite para tutulan ang bulk water facility ng PTK H20 na dinisenyo para suplayan ng tubig ang mga naglalakihang condo ng Tagaytay. Naipanalo, bilang abogado ng Save Waters in Indang Movement, ang kauna-unahang permanent Writ of Kalikasan ng Court of Appeals.
5. Tumulong organisahin ang mga estudyante ng Cavite State University-Silang sa kanilang laban para sa academic freedom.
6. Ipinanalo ang kasong libelo na sinampa ng school admin sa mga estudyante at napatalsik ang campus dean nito dahil sa sama-samang pagkilos ng mga kabataan.
7. Bilang labor leader, naipanalo ang mga laban for full regularization ng mga kontraktwal sa APT Manufacturing, Fishta Seafood, at Herco Trading.
8. Beterano ng sampung welga mula 2018-2019, nang nagsiputukan ang iba't ibang pagkilos ng mga kontraktwal.
Naipanalo ang kalakhan ng mga welgang ito.
Hanggang ngayon, tuloy-tuloy ang kanyang pagtungo sa mga komunidad ng manggagawa. Kahit meeting lang ito ng tatlong agrabyadong manggagawa, uupuan nya nang personal.
Di tuland ng mga multi-millionnaire na mga Tulfo na naka-video lahat ng “pagtulong”, nabubuhay si Atty. Luke Espiritu nang simple sa Plainview, Mandaluyong.
Pangkaraniwang taong walang kotse at nagko-komyut lang, pero may ekstraordinaryong dedikasyon sa manggagawa.
Di ka pa rin kumbinsido? Ask yourself, may binangga bang malalaking kumpanya ang mga Tulfo para pigilan ang endo at kontraktiwalisasyon katulad nang araw-araw na ginagawa ni Atty. Luke?
May kaso ba silang idinulog sa mga korte para protektahan ang mga ordinaryong manggagawa o kaya ay sumama ba sila sa welga at kilos protesta laban sa pang-aapi sa mga walang laban? Nakita mo na ba silang nariyan sa mga welga at picket kagaya ng ginagawa ni Atty. Luke?
Wala. Dahil ang totoo, hanggang barangayan style lang sila talaga. Pero pagdating sa totoong pakikipaglaban para sa karapatan ng naaapi, walang-wala sila sa isang Espiritu na ang pangalan ay Luke.
Away-pang barangay, ipa-Tulfo. Laban para sa hustisya at karapatan ng mga manggagawa, Espiritu lang ang sakalam.
No comments:
Post a Comment