Sunday, March 09, 2025

Pangako ni Abby B. 2 03092025

 Bukod sa pagiging champion advocate sa pangangalaga ng kalusugan, kabilang din sa mga prayoridad ni Mayor Abby Binay ang kalusugan at kapakanan ng kababaihan, kaya naman may libre at #better na healthcare services sa Makati City, na hangad niyang maipagkaloob sa lahat ng babae sa buong bansa.


Sakaling mahalal bilang senador sa midterm elections, palalawigin ni Mayor Abby sa pambansang aspeto ang mga napatunayan na niya sa Makati: libreng prenatal checkups, counseling, bakuna, panganganak, at iba pang maternal at reproductive services para sa kababaihan.


Gayundin, planado na ni Mayor Abby ang pagpapalawak ng serbisyo para sa libreng outpatient consultations, subsidized na pagpapagamot, maintenance medicines para sa chronic conditions, at libreng dialysis at chemotherapy para sa sektor ng kababaihan at mga may malubhang kondisyon.


Bahagi ito ng kanyang hangarin na mapaabot ang malawak na access sa serbisyong pangkalusugan at pagpapabuti ng kalidad ng buhay ng bawat Pilipino.


#PilipinasToday

#AbbyBinay

#AbbyBetter

#BetterMakati




No comments: