Sunday, March 09, 2025

Pangako ni Abby B. 1 03102025

‘GOOD ON PAPER, BUT WHAT ABOUT IMPLEMENTATION?’

Binigyang-diin ni Makati Mayor Abby Binay ang kahalagahan ng mga batas na praktikal at may sapat na pondo, dahil marami aniya sa mga pambansang batas ang hindi naipapatupad nang maayos dahil sa kakulangan sa maagang pagpaplano at pondo.

“There’s often a disconnect when senators craft legislation without consulting the grassroots,” sabi ni Mayor Abby.

Dagdag ng alkalde at senatorial aspirant, mahalaga na may karanasan ang mga mambabatas sa lokal na pamamahala, para matiyak na ang mga polisiya ay makatotohanan at maisasakatuparan.

“You think it's common sense, but I realize that common sense is not very common,” sabi pa ni Mayor Abby.

Pinaninindigan ni Mayor Abby ang kanyang pangako na magdala ng praktikal at naipapatupad na batas sa Senado upang matiyak na ang mga batas ay tunay na nagsisilbi sa mamamayan.


#PilipinasToday

#AbbyBinay

#BetterMakati

#AbbyBetter

#Halalan2025

#AbbyBinaySaSenado

#Number9SaBalota




No comments: