"Ma ,yung cellphone ko ?"
"Ma ,pengeng baon papasok na ako
"Ma , anong ulam ?
" Ma, ano 'yang niluluto mo ?
" Ma, nasaan ang lipstick ko ?
"Ma , aalis lang kami saglit ha ? Gagawa lang kami ng project.
-❤💔-
Ito yung mga salitang balang araw : di mo na masasabi .Yung magigising ka sa umaga dahil sa sigaw ng nanay mo .Yung maiinis ka ka kasi may ginagawa kapa tapos uutusan ka pa ulit .Yung medyo ginabi ka lang ng uwi , galit na galit agad.Yung nagpalaki sayo.Yung nagluwal sayo .Yung bumuo ng pagkatao mo .Yung gagawin niya ang lahat para mapakain lang kayo .lahat iyan , mawawala.Walang permanente , hindi mo alam baka sa muling pag kudlit ng orasan , sa kasamaang palad mawawala na siya -ang nanay mo .kaya pahalagahan mo, huwag mong kagalitan dahil lang sa inuutusan ka, dahil lang sa di pagsunod ng gusto mo .dahil balang araw , pag nawala siya sa tabi mo , mawawalan kanang ganang mabuhay , Yung magising ka nalang sa tilaok ng manok hindi ng sigaw niya.Yung ikaw na mismo ang magluluto ng ulam mo , hindi siya .Yung wala kang matatanungan pag may nawala .Yung wala ng mag-aalaga sayo , mag kukwento sayo ng kalokohan mo nong bata ka .Yung wala ng kang mapagsabihan pag may problema ka.Yung wala ng tatawag sa cellphone mo na magtatanong kung ok kalang ba ? .😢😭
Kaya habang buhay pa o habang may oras pa , pahalagahan mo,alagaan mo , huwag mong kagalitan , dahil sa pagdating ng araw ,Lahat yan magiging isang masayang ala-ala nalang na bibitbitin mo hanggang sa pagtanda .😢❤
PS: LOVE YOUR MOTHER , HABANG BUHAY PA 😢😍❤
No comments:
Post a Comment