Wednesday, November 11, 2026

Kahit maayos lang na sistema.

KAHIT MAAYOS LANG NA SISTEMA, HINDI MAIBIGAY
Hindi naman kami humihingi ng sobra.
Hindi kami humihingi ng yaman.
Hindi kami humihingi ng libre lahat.
Hindi kami humihingi ng pera kada buwan.
Hindi kami humihingi ng mansion at kotse.
Ang hinihingi lang namin...
Kahit maayos lang na sistema.
Maayos lang na sistema na pag pumila ka, hindi ka pahihirapan.
Maayos lang na sistema na pag kumuha ka ng papeles, hindi ka pababalikin ng paulit-ulit.
Maayos lang na sistema na pag nagbayad ka, may resibo at may pupuntahan.
Maayos lang na sistema na pag nagkasakit ka, hindi ka tatanggihan ng ospital.
Maayos lang na sistema na pag nag-aral anak mo, may maayos na classroom at guro.
Yun lang.
Pero kahit yun, hindi maibigay.
Pumunta ka sa munisipyo, pababalikin ka bukas.
Pumunta ka bukas, kulang daw papeles mo.
Pumunta ka sa susunod, wala daw yung pipirma.
Pumunta ka ulit, brownout daw, offline daw, lunch break daw.
Paulit-ulit.
Kukuha ka lang ng isang papel, isang linggo ka pababalikin.
Magpapa-ospital ka, kailangan mo pa ng PhilHealth, ng guarantee letter, ng kung ano-ano, bago ka asikasuhin.
Mag-aaral anak mo, 50 sila sa isang classroom, sira electric fan, walang libro, walang upuan.
Magbabayad ka ng tax, ang bilis nila maningil.
Pero pag ikaw na humingi ng serbisyo, ang bagal nila magbigay.
Bakit ganun?
Bakit sa ibang bansa, isang pindot lang, tapos na?
Bakit sa ibang bansa, online lang, ayos na?
Bakit sa ibang bansa, pag may sakit ka, gamot agad, hindi papeles agad?
Bakit dito sa atin, kailangan mo pa ng kakilala para mapabilis?
Bakit dito sa atin, kailangan mo pa ng lagay para maasikaso?
Bakit dito sa atin, kailangan mo pa magmakaawa para lang sa dapat na serbisyo mo naman?
Kasi walang maayos na sistema.
At yung walang maayos na sistema, sinasadya yan.
Kasi pag magulo sistema, madali magnakaw.
Pag magulo sistema, madali magpalusot.
Pag magulo sistema, madali sabihin na nawala, naubos, hindi dumating.
Pag maayos sistema, mahuhuli sila.
Pag maayos sistema, makikita nasaan pera.
Pag maayos sistema, hindi na sila makakakurakot.
Kaya hindi nila aayusin.
Kasi pag inayos nila, wala na sila kikitain.
Kaya tayo, tayo yung nag-aadjust.
Tayo yung gigising ng madaling araw para pumila.
Tayo yung magbabayad ng pamasahe pabalik-balik.
Tayo yung magtitiis ng init at gutom sa pila.
Tayo yung magtitiis na kahit mali sistema, susunod pa rin tayo.
Pero pagod na tayo.
Pagod na tayo sa magulong sistema.
Pagod na tayo sa pauli-uli.
Pagod na tayo sa pahirap.
Pagod na tayo sa palakasan.
Hindi kami humihingi ng perpekto.
Kahit maayos lang.
Maayos lang na pag pumunta ka, aasikasuhin ka.
Maayos lang na pag nagbayad ka, may kapalit.
Maayos lang na pag nangailangan ka, nandyan gobyerno.
Yun lang naman.
Pero kung kahit yun, hindi nila maibigay...
Ano pa silbi nila?
Bakit pa tayo nagbabayad?
Bakit pa tayo sumusunod?
Bakit pa tayo nagtitiis?
Kasi kung kahit maayos lang na sistema, hindi maibigay...
Baka hindi sistema ang sira.
Baka sila na talaga ang sira.

No comments: