Saturday, November 14, 2026

Baka po siya.

BAKA PO SIYA YUNG PRESIDENTE? 

Sabi ni Usec. Claire Castro, pinapaganda daw yung Pilipinas, hindi yung sarili ng Pangulo. Huwag daw ipahid sa Pangulo yung mga bintang na walang basehan.

Malumanay lang natin sagutin, pero diretso.

Baka nga po kasi, Presidente sya.

Kaya sya dapat mag-ayos ng Bansang Pilipinas.

Hindi po kami yung may hawak ng budget. Sila po.

Hindi po kami yung may hawak ng mga ahensya ng gobyerno. Sila po.

Hindi po yung Pilipino yung may hawak ng pera ng bansa. Sila po.

Tayo po, taga-bayad lang ng tax.

Sila po, taga-hawak ng tax.

Sila po, taga-desisyon kung saan mapupunta yung tax.

Kaya nung sinabi nyo na P22.9 Billion yung budget para sa ASEAN...

Hindi po kami yung nagdesisyon nyan. Kayo po.

Hindi po kami yung nag-apruba nyan. Kayo po.

Hindi po kami yung naglagay ng harang, ng facade, ng pader. Kayo po.

Kaya natural lang po na sa inyo kami magtanong.

Kasi kung kami yung may hawak ng P22.9 Billion, kami rin yung mag-aayos.

Pero hindi kami yung may hawak eh.

Yung vendor sa Baclaran, wala po syang P22.9 Billion. Ang hawak nya lang, yung paninda nya na pinasara.

Yung tindera ng sari-sari store, wala po syang budget. Ang hawak nya lang, yung listahan ng utang ng kapitbahay nya.

Yung binaha nung Christine, wala po syang ahensya. Ang hawak nya lang, yung balde na pinabili sa kanya.

Yung Pilipino, wala po syang DPWH. Wala syang MMDA. Wala syang DBM. Wala syang Malacañang.

Ang meron lang yung Pilipino, yung pagod, yung gutom, yung tiis.

Kaya hindi po pwedeng sabihin na "huwag ipahid kay Pangulo."

Sino pa po ba yung pagbibigyan namin ng responsibilidad?

Yung vendor? Yung magsasaka? Yung driver?

Sila ba yung may hawak ng budget?

Sila ba yung pwedeng mag-utos sa ahensya na linisin yung ilog ng totoo, hindi takpan lang?

Sila ba yung pwedeng mag-utos na ayusin yung flood control, hindi gawing ghost?

Hindi po.

Kayo po.

Kasi Presidente sya.

At pag Presidente ka, ikaw yung may pinakamalaking responsibilidad.

Hindi para sisihin ka sa lahat. Pero para asahan ka sa lahat.

Kasi ikaw yung may kapangyarihan na ayusin.

Ikaw yung may budget.

Ikaw yung may ahensya.

Ikaw yung may tao.

Kaya pag yung bansa, tinakpan lang imbis na ayusin...

Sa inyo po talaga kami magtatanong.

Hindi po kanya-kanya.

Hindi po bahala na si Pilipino sa buhay nya.

Kasi kung kanya-kanya lang pala, bakit pa tayo nagbayad ng tax?

Bakit pa tayo naghalal ng Presidente?

Bakit pa tayo may gobyerno?

Diba kaya tayo may gobyerno, para yung hindi kaya ng kanya-kanya, sila yung gagawa?

Yung paglilinis ng ilog, gobyerno yun.

Yung paggawa ng maayos na kalsada, gobyerno yun.

Yung pagbibigay ng maayos na pwesto sa vendor, gobyerno yun.

Yung pag-ayos ng flood control, gobyerno yun.

Hindi yan kaya ng isang Pilipino mag-isa. Kahit magsipag sya ng 24 hours, hindi nya kaya magtayo ng dam mag-isa.

Kaya nga po, Presidente sya.

Kaya nga po, sila yung may hawak.

Kaya nga po, sa kanila kami umaasa.

At yung pag-asa na yan, hindi po yan bintang.

Pagmamahal po yan sa bansa.

Kasi naniniwala pa rin kami na kaya nilang ayusin.

Kaya nilang gamitin yung P22.9 Billion hindi lang pang-picture, kundi pang-longterm.

Kaya nilang ayusin yung Pilipinas, hindi lang pagandahin yung itsura.

Kasi sila yung may hawak.

At pag ikaw yung may hawak...

Ikaw din yung dapat mag-ayos.

Ayusin, hindi takpan.

#hosonpoint #hustleoverslavery #ASEANSummit

No comments: