May ilog? Liitan natin.
May creek? Takpan natin.
May natural na daluyan ng tubig? Tayuan natin hanggang sa halos wala nang madaanan.
Tapos kapag dumating ang malakas na ulan, magtataka tayo:
“Bakit bumabaha?”
Ang totoo, matagal nang may drainage system ang kalikasan bago pa tayo gumawa ng drainage plan.
Mga ilog. Sapa. Creek. Wetlands. Floodplains.
Hindi sila mga bakanteng lupa na naghihintay tayuan.
Bahagi sila ng infrastructure ng isang lugar.
Sa magandang urban planning, hindi natin tinatanong:
“Paano natin aalisin ang tubig dito?”
Mas magandang tanong:
“Saan ba talaga gustong dumaan ng tubig?”
At doon tayo magdesign.
Preserve the waterways. Give rivers room to breathe. Create parks and open spaces around them. Design buildings and roads around the natural movement of water—not against it.
Dahil kahit gaano kaganda ang subdivision, gaano kalapad ang highway, o gaano kamahal ang mga building…
may isang bagay na mahirap utusan.
Tubig.
Kapag hinarangan mo ang dating daan niya, hindi naman siya mawawala.
Hahanap lang siya ng bagong dadaanan.
At minsan…
bahay natin iyon.
Good architecture should respect nature.
Good urban planning should work with nature.
Hindi natin kailangang talunin ang tubig.
Kailangan lang nating tigilan ang pagharang sa daan niya.
— Architect Ed Ramos

No comments:
Post a Comment