Malapit na sana makapagtapos ng nursing ang isang 21 years old na dalagita pero netong September 06 ay bigla na lang siyang natagpuang wala ng buhay sa ilalim ng kanyang kama sa kanilang bahay sa San Antonio, Nueva Ecija.
Siya si Ann Pauline Fajardo, fourth-year nursing student at scholar ng Wesleyan University-Philippines.
Ang unang report? Posibleng nagpatiwakal. Pero naging kahina-hinala sa investigators ang sitwasyon. At nang isagawa nga ang autopsy, lumabas na ang cause of death: “Asphyxia by Strangulation.” Napansin din ng mga pulis na nawawala ang kanyang iPhone 16 Plus.
Gamit ang iCloud at Find My, natunton nila ang cellphone at natukoy ang taong may hawak nito… isang 27-anyos na lalaki, na kalaunan ay naaresto. At ayon sa official police press release, umamin umano ang suspek sa pamamagitan ng Extra-Judicial Affidavit/Confession, habang may kasama siyang abogado.
Sa kanyang confession, sinabi niyang pumunta siya sa bahay ni Ann Pauline bandang 4:30 ng madaling-araw para manghiram ng ₱5,000. Nang sabihin ni Ann Pauline na hindi niya siya mapapahiram, nagkaroon umano sila ng argumento.
Inamin din umano ng suspek na sinakal niya si Ann Pauline hanggang sa hindi na ito humihinga
At pagkatapos?… Ayon pa sa kanyang confession, tinangka umano niyang palabasing suicide ang nangyari gamit ang kumot sabay kinuha pa niya ang cellphone ng biktima... sa ngayun, nahaharap ang suspek sa kasong mvrder.
Grabe! Sa halagang ₱5,000. Isang 21-year-old scholar na malapit nang makatapos at maging nurse… isang buong kinabukasan ang nawala. Napakarami pang pangarap na naghihintay sana sa kanya…Napakasakit neto sa magulang. Ulila na sa ama ang biktima at ang nanay naman nya ay isang OFW.
Justice for Ann Pauline Fajardo.
#NuevaEcija #sanantonio #SanAntonioNuevaEcija #BreakingNews

No comments:
Post a Comment