Saturday, September 19, 2026

Pinaka masakit sa lahat.

"SISTEMA NG PINAS: BINENTA TAYO SA PRIBADO, KAYA HARD MODE TAYONG LAHAT"

Kung nagtataka ka bakit hirap na hirap ka sa Pinas...

Hindi dahil tamad ka.

Hindi dahil bobo ka.

Kundi dahil yung mga negosyo na dapat AY SA ATIN...

Na dapat NAGPAPAMURA NG BILIHIN...

Na dapat NAGBIBIGAY NG MAGANDANG TRABAHO...

BINENTA NA SA PRIBADONG MAYAMAN.

LAHAT GALING SA BUWIS NATIN, NGAYON TAYO PA SINGILAN NG MAHAL.

PART 1: ATIN DATI LAHAT TO. TAYO NAGPAGAWA.

Isipin mo lolo mo, tatay mo nagbayad ng buwis araw-araw.

Saan napunta buwis nila?

Pinatayo ng gobyerno ng mga GOCC - Government Owned and Controlled Corporation.

Ano yun? Negosyo ng bayan para sa bayan.

PNB - Bangko ng bayan. Para hindi tayo mangutang sa banyaga.
PAL - Eroplano ng bayan. Para tayo may sariling lipad, hindi tayo alipin ng foreign airline.
PETRON - Langis ng bayan. Para mura gasolina, mura bilihin.
MERALCO / NAPOCOR - Kuryente ng bayan. Para mura ilaw, mura kuryente, makapag-factory tayo.
MAYNILAD / NAWASA - Tubig ng bayan. Para mura tubig, lahat may malinis na tubig.
PNS STEEL, PHILSUCOM, NACIDA - Bakal, asukal, tela ng bayan. Para hindi tayo import ng import, tayo mismo gumagawa.
SLEX, NLEX, PNR - Kalsada at tren ng bayan. Para mura byahe, mabilis negosyo.

Lahat yan atin dati.

Pangarap ng bayan na maging industrialized country tayo.

Hindi tayo alipin ng import.

PART 2: BIGLANG BINENTA. BAKIT DAW? LUGI DAW.

Dumating ang 80s, 90s, 2000s.

Biglang sabi ng mga politiko at IMF / World Bank...

"Lugi ang gobyerno sa pagpapatakbo ng GOCC, ibenta na sa pribado, i-privatize na"

Lugi daw.

Tanungin kita...

PAANO MALULUGI ANG MERALCO EH LAHAT NG BAHAY SA LUZON SA KANYA NAGBABAYAD NG KURYENTE?

PAANO MALULUGI ANG MAYNILAD EH LAHAT NG TAO SA MAYNILA NALILIGO ARAW-ARAW?

PAANO MALULUGI ANG PETRON EH LAHAT NG SASAKYAN NAGPAPA-GAS?

PAANO MALULUGI ANG NLEX SLEX EH LAHAT NG TRUCK DUMADAAN AT NAGBABAYAD NG TOLL?

Hindi lugi.

GINAWANG LUGI SA PAPEL.

Paano?

Lagyan ng maraming empleyado na kamag-anak ng politiko, ghost employees.
Lagyan ng sobrang daming utang na kinurakot.
Hindi ayusin management para bumaba kita.
Tapos pag mukha ng lugi na sa report...
SABIHIN "O lugi, kailangan na ibenta"

Tapos sino bibili?

Hindi ikaw.

Hindi ako.

Kasi barya lang pera natin.

Sino bibili?

Yung mga mayayamang may kapit na sa gobyerno.

Yung mga nag-donate sa kampanya.

Nabili nila ng MURA.

Mura kasi "lugi" daw sa papel.

PART 3: NUNG NABILI NA NG PRIBADO, ANO GINAWA? TINAASAN LAHAT NG PRESYO.

Nung nasa gobyerno pa...

Mura dapat kasi serbisyo publiko.

Nung nasa pribado na...

Negosyo na. Kailangan tumubo ng malaki.

Kaya ano nangyari?

MERALCO - Isa tayo sa pinakamahal na kuryente sa buong ASIA. Mas mahal pa tayo sa Japan. Eh mas mura sahod natin.
MAYNILAD / MANILA WATER - Tubig na dati mura, ngayon may minimum charge, may environmental fee, putol pa pag di ka nakabayad agad.
SLEX NLEX - Kalsada na tayo nagpagawa sa buwis, ngayon babayaran mo ulit 300 pesos per daan. Pag tumaas toll fee, wala ka magawa.
PETRON - Langis na dapat mura, ngayon taas-baba linggo-linggo, pero mas madalas taas.
PNB, PAL - Dati kita ng bayan, ngayon kita na ng iisang pamilya lang.

At pinaka masakit sa lahat...

PART 4: SILA PA NAGBIBIGAY NG PINAKA SUBSTANDARD NA TRABAHO SA PILIPINO.

Yung mga kumpanyang yan na galing sa buwis natin...

Sila pa nangunguna sa ENDO at CONTRACTUAL.

5 months contract lang.
Agency hired, hindi direct.
Minimum wage 645.
Walang 13th month pag agency.
Walang promotion.
Pag nagkasakit ka, tanggal ka.

Yung dating GOCC na dapat nagbibigay ng REGULAR, MAGANDA, MAY BENEPISYONG TRABAHO...

Ngayon sila pa nang-aalipin sa Pilipino.

Kaya wag ka magtaka...

Bakit pag graduate mo, contractual ka lang.

Bakit pag trabaho mo sa mall, agency ka.

Bakit pag driver ka ng bus, boundary system ka.

Kasi yung mga malalaking kumpanya na dapat atin...

Na dapat nagbibigay ng magandang trabaho...

Hindi na atin.

FINAL REAL TALK:

Kaya sa ibang bansa mura kuryente, mura tubig, mura toll...

Kasi kanila pa gobyerno nagpapatakbo.

Kita ng gobyerno, balik sa tao.

Sa Pinas, mahal kuryente, mahal tubig, mahal toll...

Kasi pribado na.

Kita ng pribado, balik sa bulsa ng mayaman.

Tayo?

Tayo nagbayad ng buwis para ipatayo.

Tayo pa pinagbabayad ng mahal para gamitin.

Tayo pa binigyan ng contractual na trabaho.

Yan ang pinaka malaking SCAM sa history ng Pinas.

Binenta tayo sa sarili nating pera.

Kaya kung empleyado ka lang ngayon at umaasa ka pa na sasagipin ka ng sistema...

Hindi ka talaga sasagipin.

Kasi yung sistema mismo...

Binenta ka na.

Kaya kailangan mo matuto dumiskarte sa labas ng sistema.

Matuto kumita online.

Matuto mag negosyo na hindi mo kailangan ng permit na may lagay.

Matuto mag benta sa buong mundo, hindi lang sa Pinas.

Kasi kung sa Pinas ka lang aasa...

Lahat ng galaw mo may bayad.

Lahat ng pangarap mo may tollgate.

Hustle Over Slavery - H.O.S

#hustleoverslavery

No comments: