Sunday, September 20, 2026

Real talk

"MAS REALTALK SA PROBLEMA NG PINAS"

Kung masasaktan ka, ibig sabihin tinatamaan ka. Pasensya na.

PURO TAYO REKLAMO SA GOBYERNO, PERO PAG ELEKSYON, 500 PESOS BENTA BOTO.
Reklamo tayo ng reklamo sa kurakot, pero tayo mismo tumatanggap. Tapos magtataka tayo bakit wala nagbabago? Kasi binenta mo na kinabukasan ng anak mo sa halagang pang isang araw na ulam.

LAHAT GUSTO UMASENSO, PERO WALANG GUSTO MAGBAGO NG UGALI.
Gusto mo yumaman pero ayaw mo gumising ng maaga. Gusto mo mag negosyo pero ayaw mo magbenta kasi nahihiya ka. Gusto mo mag ipon pero linggo-linggo nasa inuman ka. Hindi pera problema mo, ugali mo.

BISYO GINAWANG CULTURE, SIPAG GINAWANG KATATAWANAN.
Pag umiinom ka, tropa ka. Pag nagsusugal ka, astig ka. Pero pag nagtitipid ka, kuripot ka. Pag nagnenegosyo ka, na-scam ka. Pag nag-aaral ka mag ipon, KJ ka. Kaya walang umaasenso, kasi yung bisyo pinupuri, yung diskarte pinagtatawanan.

MAHIRAP NA NGA, ANAK PA NG ANAK.
Minimum sahod, 4 na anak. Walang maipakain, dagdag pa ng isa. Tapos sisihin gobyerno bakit mahirap. Kapatid, hindi ka pinilit ng gobyerno mag anak ng marami. Responsibilidad mo yan. Kung hindi mo pa kayang buhayin sarili mo, wag ka muna magdagdag ng bubuhayin.

SOCIAL MEDIA GINAWANG SUKATAN NG TAGUMPAY.
Dati, pag may bigas at may bahay, masaya ka na. Ngayon, pag wala ka iPhone, wala ka pang kotse, wala ka pang travel sa Facebook, failure ka na. Kaya baon sa utang lahat, kakabili ng pang post. Akala mo mayaman, pero sa likod ng picture, umiiyak kakaisip paano magbayad ng hulugan.

TAMAD MAG-ARAL NG SKILL, PERO MABILIS MAG-ARAL NG CHISMIS.
Bigyan mo ng libreng training sa welding, sa computer, sa pagbebenta, tatamarin. Pero pag chismis sa kapitbahay, buong araw kaya makinig. Kaya walang skill, kasi mas inuna marites kaysa diskarte.

PURO TAYO "SANA ALL" PERO WALANG "GAWA ALL".
Sana all mayaman. Sana all may negosyo. Sana all nasa abroad. Puro sana. Wala naman gawa. Gusto mo umasenso, simulan mo. Hindi yung share ka lang ng share ng motivational quotes pero tulog ka pa rin hanggang tanghali.

REKLAMO NG REKLAMO NA MAHIRAP BUHAY, PERO PAG MAY TRABAHO, PETIKS.
Reklamo walang trabaho. Pag binigyan ng trabaho, late lagi, absent lagi, naka cellphone lang. Tapos pag tinanggal, sasabihin "pinag-initan ako ng boss." Hindi ka pinag-initan, pinetiks mo kasi trabaho mo.

HINDI NA TAYO BIKTIMA NG SISTEMA LANG. TAYO NA RIN MISMO PROBLEMA.
Oo kurakot gobyerno. Oo bulok sistema. Pero aminin mo, minsan ikaw na rin problema. Nagnanakaw ka ng oras sa trabaho. Nangungutang ka di mo binabayaran. Nagkakalat ka sa kalsada tapos reklamo ka baha. Hindi lang gobyerno may kasalanan, tayo rin may ambag sa kahirapan natin.

PINAKA MASAKIT - SANAY NA TAYO MAGHIRAP, KAYA HINDI NA TAYO LUMALABAN.
Dati galit tayo pag tinaasan bigas. Ngayon, wala na, tanggap na. Dati galit tayo sa kurakot. Ngayon, meme na lang. Naging normal na kahirapan. At pag naging normal na sayo maging mahirap, habambuhay ka na mahirap.

KAYA ANO SOLUSYON?

Tigilan mo sisihin lahat. Gobyerno, kapitbahay, magulang mo, ex mo.

Tumingin ka sa salamin.

Tanungin mo sarili mo: Ano binago ko ngayong buwan para umahon?

Kung wala, wag ka magtaka kung same ka pa rin next year.

Walang magbabago sa Pinas hangga't hindi nagbabago utak ng Pilipino.

At yung pagbabago ng utak, hindi yan sa Malacanang magsisimula.

Sa bahay mo magsisimula. Sayo.

PERO SANA... SANA UMAYOS NA GOBYERNO NATIN.

Sana dumating yung araw na hindi na namin kailangan lumaban mag-isa.

Na hindi na namin kailangan mangibang bansa para lang mabuhay ng marangal.

Na yung tax na binabayad namin, makita naman namin sa kalsada, sa ospital, sa eskwelahan.

Na yung mga nakaupo dyan, maalala naman nila na Pilipino rin kami.

Hindi kami humihingi ng libre. Humihingi lang kami ng patas.

Patas na sahod, patas na presyo, patas na laban.

Sana umayos na. Hindi na para sa amin, para na lang sa mga anak namin.

Kasi pagod na pagod na kami.

Hustle Over Slavery - H.O.S

#hustleoverslavery

No comments: