Habang nakaupo ako, napatingin ako sa isang lola na naka-wheelchair… tahimik lang, hawak ang maliit niyang bag.
Hindi ko alam ang kwento niya… pero alam kong matagal na siyang naghihintay.
4:30 PM na.
Pero pang-37 pa lang ang tinatawag.
Doon ko na-feel… hindi lang oras ang inaantay nila kundi pag-asa.
Kung may pagkakataon kang yakapin ang pamilya mo gawin mo.
Kung may lakas ka pa—ipagpasalamat mo.
At kung buhay ka pa ngayon… may dahilan yan.
May mga taong naghihintay ng milagro.
May mga taong kumakapit sa pag-asa.
At may mga taong tahimik lang na lumalaban kahit hindi na nila alam kung hanggang kailan.
Kaya kung ikaw ay may pagkakataong mabuhay nang normal ngayon…
huwag mong sayangin. gawin mong kapipakinabang...
#cancerwarriors
No comments:
Post a Comment