Thursday, May 21, 2026

Reality of cancer in the Philippines

 REYALIDAD NG KANSER SA PILIPINAS 😔


👉Sina Kaye Abad at Doc Willie Ong ay kapwa piniling magpagamot ng cancer sa Singapore.


At habang para sa marami ay personal o medikal na desisyon ito, ipinapakita rin nito ang isang malaking katotohanan—

napakamahal ng cancer care.


Totoo talaga na kapag pumasok ang cancer sa buhay mo, hindi lang kalusugan ang naaapektuhan. Pati pera, pamilya, trabaho, at mga plano mo sa buhay.


Ang gamutan sa mga bansang tulad ng Singapore ay advanced, mabilis, at kumpleto—pero sobrang mahal . Kahit dito sa Pilipinas, lalo na sa mga pribadong ospital, kayang ubusin ng cancer treatment ang ipon ng isang pamilya.Kahit gaano pa karami ang kabuhayan, masasaid at masasaid ka. 

Kaya ang mga may kakayahan, may insurance, o may sapat na pera ay kadalasang pinipiling magpagamot sa abroad para sa mas mabilis at specialized na care.


Pero hindi lahat may ganoong pagkakataon.

Kaya ano ang nangyayari dito sa Pilipinas?

👉May mga government hospitals at cancer centers na nagbibigay ng libre o mas murang gamutan. Ginagabayan din ng mga doktor ang mga pasyente kung saan pupunta, saan hihingi ng tulong,ano ang proseso, at alin ang bagay sa kanilang kondisyon at budget.


👉Pero reality check…

Hindi porket libre ay madali na.

Maghihintay ka. Pipila ka na para bang nagmamakaawa ka at namamalimos para sa libreng gamot at kakaunting halaga para sa gamutan.Kailangan mong i-adjust ang buhay mo ayon sa sistema.

At para sa maraming pamilya, kahit ang “free option” ay sadyang napakahirap pa ring kayanin.


👉Sa kaso ko na nasa isang pribadong ospital kinailangan ko rin gumawa ng mabibigat na desisyon.

Kahit gustuhin ko ang libreng gamutan, hindi ito laging praktikal dahil:


• Kailangan ko pa ring magtrabaho kase solo parent ako 

• Ako lang din naman ang umaasikaso sa lahat ng pangangailangan 

.....kung kaya Kailangan ko ng agarang gamutan, hindi pwedeng ma-delay para gumaling agad ako so hindi pwede sa public hospital na napakahirap magpagamot. 

......sapagkat kahit may sakit hindi tumitigil ang aking responsibilidad . 

Kaya nagiging sobrang personal… at mabigat… ang bawat desisyon ko. 


👉At ito ang hindi laging nakikita ng mga tao—

Hinahati ng cancer ang realidad sa “may kakayahang magpagamot” at “walang kakayahan.”

At hindi rin maiiwasan na may magsasabi ng: “Marami namang libre, pwede naman doon magpagamot.”


Oo, totoo naman iyon. Malaking tulong ang mga libreng gamutan para sa maraming tao.

Pero ang totoo, magkakaiba ang sitwasyon ng bawat pasyente at bawat pamilya—sa oras, urgency, kakayahan, at responsibilidad.


Pero paano naman ang mga walang kakayahan?

Iyon ang masakit na katotohanan.

Oo nakikita ninyo ang tapang ko bilang isang warrior sa bawat post ko, 

Pero hindi nyo nakikita na sa kabila ng mga ngiti, at mga positibo kong pananaw may isang parte rin sakin pagkatao na lubhang nalulungkot at nadidismaya sa reyalidad ng kanser sa ating bansa😔

.... sapagkat isa ako sa nakakaranas ng hirap para laang sa mga libreng gamutan na iyan, para laang madugtungan ang buhay ko at hindi ko maiwang mag isa ang aking mga anak. 


Pero kahit ganoon ang realidad… 

Nananatili pa rin ang aking pananalig.

Nanatiling tapat ang Diyos. Kahit mahirap, kahit kulang, kahit hindi malinaw ang susunod na hakbang—patuloy pa rin Siyang nagbibigay, sa bawat patak ng aking mga luha habang sya'y aking kinakausap . 

Kaya anuman ang sitwasyon mo— gaano man ito kahirap , manatiling nakakapit. 

Huwag mawalan ng pag-asa. Huwag tumigil sa pananampalataya.

Dahil sa huli, ang cancer ay hindi lang tungkol sa ospital o pera…

Ito ay laban para sa buhay, kahit puno ng takot at walang kasiguraduhan ang bukas. Gaano man kahirap ang ating tinatahak na landas, gaano man kahirap ang ating mga sitwasyon na pinagdaraanan , tuloy pa rin ang ating laban mga ka- warrior. 

Dahil ang tunay na Warrior hindi kailanman sumusuko 💪💪💪


#chemotheraphyjourney 

#chemotheraphyeffects 

#cancerwarrior 

#cancerfighter 

#MotivationalCreator 

#everyone 

#followers 

#highlights

No comments: