Maraming property buyers at sellers ang nagugulat kapag nalaman nila ito.
Akala nila:
Kung magkano ang Zonal Value — iyon na ang presyo ng lupa.
Pero sa realidad…
Magkaibang-magkaiba ang Zonal Value at Market Value.
At kung hindi mo ito naiintindihan,
pwede kang malugi o magbayad ng mas malaking tax.
Let’s break it down.
1️⃣ Ano ang Zonal Value?
Ang Zonal Value ay ang minimum property value na itinatalaga ng gobyerno para sa taxation purposes.
Ito ay dine-determine ng
Bureau of Internal Revenue (BIR).
Ginagamit ito para sa:
• Capital Gains Tax
• Documentary Stamp Tax
• Estate Tax
• Donor’s Tax
Importanteng tandaan:
Hindi ito ang totoong bentahan ng property sa market.
It’s simply the government’s baseline value for taxes.
2️⃣ Ano naman ang Market Value?
Ang Market Value naman ay ang aktwal na presyo kung magkano kayang ibenta o bilhin ang property sa kasalukuyang market.
Ito ay naka-base sa:
• Demand ng buyers
• Location
• Developments sa area
• Infrastructure projects
• Supply ng properties
Sa madaling salita:
Ito ang totoong presyo na napagkakasunduan ng buyer at seller.
3️⃣ Bakit Mas Mataas Madalas ang Market Value?
Dahil ang Zonal Value ay hindi palaging updated.
Habang tumataas ang demand sa isang lugar —
tumataas din ang presyo sa market.
Pero ang Zonal Value minsan years bago ma-update.
Resulta?
Halimbawa:
Zonal Value: ₱5,000/sqm
Market Value: ₱12,000–₱18,000/sqm
Malayo ang pagitan.
4️⃣ Critical Ito Kapag Bibili o Magbebenta ng Property
Dahil sa Pilipinas, ang taxes ay kadalasang kinukuwenta sa mas mataas na value sa dalawa.
Either:
• Selling Price
• Zonal Value
Kung alin ang mas mataas, doon ibabase ang tax.
5️⃣ Kaya Maraming Nalilito sa Real Estate Deals
May buyers na nagsasabing:
“Bakit mahal? Eh ang zonal value mas mababa naman.”
Pero ang totoo:
Ang zonal value ay hindi presyo ng property.
Ito ay reference lang ng gobyerno para sa taxes.
💡Real Estate Reality
Kung gusto mong maging mas matalinong buyer o seller,
kailangan mong maintindihan ang difference ng dalawang ito.
Dahil sa real estate:
✅ Ang hindi mo alam… pwedeng maging mahal na pagkakamali.
Giving you some tips and ideas about real estate in the Philippines how it works and etc.
#RealEstatePH #RealEstatePhilippines #realestatetipsforbuyers #realestateinvesting

No comments:
Post a Comment