reasons kung bakit parang SET UP TO FAIL ang requirements ng senior / 4ps meralco discount program:
1. “Applicable lang sa hindi lalagpas 50kWh”
kahit solo living, hirap pagkasyahin ang 50kwh lalo na sa init ngayon. electric fan pa lang halos tuloy-tuloy na. tapos ang target beneficiaries pa ay seniors at 4ps families na kadalasan may kasama sa bahay. so realistically, halos imposibleng ma-meet yung limit. mas realistic kung i-adjust ang kwh threshold base sa household size at klima, hindi one size fits all.
2. “Dapat nakapangalan sa kanila yung bill”
dito pa lang talo na agad maraming mahihirap. karamihan umuupa lang at yung bill nakapangalan sa may-ari ng apartment. kahit nga middle class, hindi lahat may sariling bahay eh. kung may sariling bahay man, kadalasan nasa breadwinner nakapangalan na minsan hindi naman eligible. lusot na naman. dapat payagan nila ang renters na kumuha man lang ng certification or affidavit mula sa landlord para ma-validate.
3. “Maraming lalakaring requirements”
hinahassle ata talaga eh. pamasahe, pagkain, oras, pagod, lahat yan gastos. para sa mahihirap, bawat sentimo mahalaga. kung pabalik-balik ka pa para mag-asikaso, lugi ka na bago mo pa makuha yung discount. pwede namang gawing mas simple ang proseso. online na lahat ngayon. pwede naman siguro yung online application para less paperwork.
⚠️ disclaimer: di ko sinasabing babyhin ang mahihirap. ang point dito, NAPUPUNTA BA TALAGA SA MAHIHIRAP YUNG KINUKUHA NILA SA CONSUMERS? parang sinadya na ang rules hindi magawa para mabulsa na naman nila. programs like this, dapat mas naka-focus sa accessibility, hindi sa dami ng hadlang. kung ang goal talaga ay tumulong, dapat mas madaling maabot diba???
No comments:
Post a Comment