May installation kami ng solar panels na naka interconnect sa Meralco. Nagbayad kami ng @ 25K sa Meralco para sa interconnection fee.
Sa aming march to april 2026 bill makikita na ang na generate ng aming solar panels na naitransmit sa Meralco ay 1,308 kwh at ang amin namang consumption ay 823kwh suma total ay nakapagbigay pa kami sa Meralco ng 485kwh.
Tanong;
Bakit sa na consume namin na 823kwh ay pinatungan pa kami ng Meralco ng generation, transmission at lahat ng charges, samantalang kami ang nag generate ng kuryente at nakapagbigay pa kami ng 485kwh na naibenta nila sa ibang consumers na siguradong pinatungan ng lahat ng charges?
Tama o parehas ba yun?
Paki like and share po, baka sakaling makarating sa mga kinauukulan at mapag tuunan ng pansin.
Base po sa calculation ay tama naman po from Generation to Lifeline pagsamasamahin niyo lahat. Yan yung breakdown ng 823kwh niyo which is yan naman sadya ang babayaran niyo kaya walang mali. Now you expect na dahil mas malaki ang naiprovide niyo sa grid dapat wala ba kayong babayaran, hindi po ganun kasi mat sinusunod din silang pricing pagdating sa mga bagay na yan. So meaning yung naprovide ninyo na na 1,308kWh sa grid, may price lang siya na 8.4pesos per kW.
823kWhx15.57pesos per kWh ay 12,814.11 kapag pinagsama niyo lahat from generation to lifeline ganyan din halos ang lalabas.
1,308kWhx8.40pesos per kWh 10,987.2 pesos.
Subtract those 2 results, you will get 1,826.91 pesos which is yung babayaran mo sa Meralco, pero dahil may OTHER charges ka na 200 pesos kaya naging 2k.
All in all ay fair lang yan. Baka ineexpect natin dahil mas mataas ang nagenerate niyong kWh kaysa sa naconsume niyo ay automatic zero na. Hindi po ganun.

No comments:
Post a Comment