Wednesday, May 20, 2026

Magpaka tatag ka.

I-share ko lang kasi hindi mawala sa isip ko yung babaeng nakasabay namin kanina sa Chinese General Hospital.

May babae, Dumating siya around 10:30 AM, tapos sabi ng nurse, late na raw siya dahil 8–9 AM lang ang clinic. Hindi na raw tumatanggap si doc kapag puno na ang patients. Pero nakiusap pa rin siya, at buti na lang pinayagan siyang maghintay.

Umupo siya malapit sa akin, at narinig ko siyang nagsabi na sana masingit siya kasi gusto na niyang matapos ang check-up niya. Isang buwan na raw siyang hindi nakakapasok sa work, at pinayuhan na lang daw siya ng HR nila na mag-resign muna at mag-focus sa pagpapagamot.

Maya-maya, nag-announce ang nurse na male-late si doc at 2 PM pa darating, kaya may ibang umuwi na. Siya, willing maghintay kaya naisingit.

Pagbalik namin galing lunch, nagsimula na si doc at nauna pa siyang matingnan. Hindi ko sinasadyang marinig, pero dahil magkasunod sila ni Papa, narinig ko ang sinabi ni doc sa kanya:

“Sorry kung nabigla kita.”

Tapos doon ko narinig yung iyak niya.

Girl: “Hindi ko po alam kung paano ko sasabihin sa pamilya ko…” 🥺

Doon ko nalaman na may cancer siya.
Ang tagal niya sa loob, parang hindi niya agad matanggap ang result. Naririnig ko si doc na pinapakalma siya, sinasabihan na huwag masyadong mag-overthink at sa parents niya muna sabihin bago sa mga anak niya.

Hindi ko mapigilang madala sa emotions niya. Halos ka-age lang q lang siya, 41. Bigla akong natakot at na-anxious din. First time kong makarinig ng ganoong eksena nang personal. Hindi ko man nakita ang mukha niya dahil may kurtina, pero rinig na rinig ko ang iyak niya.

Pagtapos namin, nadatnan pa rin namin siyang nakaupo sa labas ng hospital, maga ang mata at may kausap sa phone. Mag-isa lang siya kanina—at naisip ko, ang bigat tumanggap ng ganoong balita nang walang kasama.

Gusto ko sana siyang lapitan at i-comfort, pero nahiya ako baka isipin niya feeling close ako.
Ate, kung sino ka man, ipinagdarasal kita. Sana malagpasan mo ito at dumating ang araw na maging cancer-free ka. Pakatatag ka. 🙏🏻💛

No comments: