Wednesday, May 06, 2026

Ibinalik na ba?

𝐏𝐑 𝐍𝐨.: 𝟐𝟎𝟐𝟔-𝟏𝟐
𝐌𝐚𝐲 𝟔, 𝟐𝟎𝟐𝟔

𝟔𝟎𝐁 𝐢𝐛𝐢𝐧𝐚𝐥𝐢𝐤 𝐧𝐚 𝐬𝐚 𝐏𝐡𝐢𝐥𝐇𝐞𝐚𝐥𝐭𝐡 𝐚𝐲𝐨𝐧 𝐬𝐚 𝐮𝐭𝐨𝐬 𝐧𝐢 𝐏𝐚𝐧𝐠𝐮𝐥𝐨𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐫𝐜𝐨𝐬 𝐉𝐫, 𝐈𝐩𝐢𝐧𝐚𝐥𝐚𝐥𝐚𝐤𝐚𝐬 𝐚𝐧𝐠 𝐒𝐞𝐫𝐛𝐢𝐬𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐠𝐤𝐚𝐥𝐮𝐬𝐮𝐠𝐚𝐧

Opisyal nang naibalik sa PhilHealth ang ₱60 bilyon mula sa National Treasury alinsunod sa direktiba ni 𝗣𝗮𝗻𝗴𝘂𝗹𝗼𝗻𝗴 𝗙𝗲𝗿𝗱𝗶𝗻𝗮𝗻𝗱 𝗠𝗮𝗿𝗰𝗼𝘀 𝗝𝗿. Ang hakbang na ito ay isang malinaw na pahayag ng tiwala ng Pangulong matutugunan ng PhilHealth ang mandato nitong maging katuwang ng bawat Pilipino sa pangangailangang pangkalusugan.

Pinasasalamatan ng PhilHealth ang Pangulo sa kanyang malinaw na direktiba na gamitin ang pondong ito upang mapahusay ang mga serbisyong kalusugan upang maabot ang bawat Pilipino. Gayundin, kinikilala ng Korporasyon ang mahalagang papel ng Department of
Finance sa agarang pagreremita ng nasabing halaga.

Pinagtitibay ng PhilHealth ang pangako na pangalagaan ang tiwalang ipinagkaloob ng Pangulo at ng taumbayan. Sisiguruhin ng Korporasyon na ang bawat pisong ito ay ilalaan sa pagpapahusay ng mga benepisyo, pagpapalakas ng mga sistema upang mapabilis ang mga proseso, at paghatid sa bawat Pilipino ng serbisyong mabilis, patas, at tunay na mapagkakatiwalaan.

#MyPhilHealth 
#SagotKaNgPhilHealth

No comments: