Thursday, May 21, 2026

Isang mangga lang.

PINAUWI KO SILA DAHIL SA MANGGA.

Ngayon lang to actually, fresh pa to sa isip ko and I just have to share it.

I decided to commute today, and I went to LRT Sucat station, and napansin ko na sila agad.

Dalawang matanda. Around 70 to 80 years old siguro, both of them. 

Walang pwesto and nakatayo lang sa tabi ng daan, nakasupot ang mga panindang mangga, hoping na may makapansin at bumili sa kanila.

Tanghali pa noon. Bilad sila sa init.

Naisip ko agad, ilang oras na kaya sila nandoon?

So pumunta muna ako sa pupuntahan ko.

Pero pag-uwi ko, nandoon pa rin sila.

Same spot. Same faces. Halos hindi pa nababawasan ang mangga nila.

Nilagpasan ko muna sila, pero narinig ko, 

“bili na po kayo para makauwi na po kami…”

And I just couldn’t leave without doing something.

So nag moonwalk ako pabalik sa kanila, in slo-mo na para bang main character 🤣, jk!

Binili ko na lahat ng mangga nila.

Nagulat sila, genuinely nagpasalamat.

Makakauwi na sila! And that honestly made my day already.

So naglakad na ako papunta sa sakayan ng shuttle, bitbit mga mangga. Haha. 

Nagcrave din naman ako ng mango ensalada with bagoong and kamatis,😋 kaya timing rin talaga! 

Habang naghihintay ng shuttle, may mga lumapit sa akin na mga bata.

Street kids. Nakatira talaga sa kalsada, literal.

Maruruming damit pero ang liwanag ng mga mata nila, grabe.

Nakita kasi nila agad ang hawak ko.

“Kuya, pwede po bang humingi ng mangga?”

Binigyan ko sila agad.

And their reaction, I’m not exaggerating ah…

napatakbo sila, napatalon sa saya, nag-thank you nang paulit-ulit. 

Yung klase ng saya na raw talaga, no filter.

Kinain nila agad sa harap ko habang nakangiti.

Pero yung pinaka-nagpahinto sa akin?

Hindi sila nanghingi ng sobra.

Tig-iisa lang sila. Kahit kitang-kita na gusto pa nila. Kahit bata pa sila at madali lang sanang manghingi ng higit pa.

These kids who had almost nothing, and yet they weren’t greedy about it.

That got me.

While, nakita ko yung pinakamaliit sa kanila, mga 2 to 3 years old siguro, sa sobrang tuwa sa mangga naitapon niya sa kalsada.

Nakita ko from a distance.

Tumigil siya at napatulala sa manggang nasa gitna ng kalsada. Hindi niya maabot kasi delikado.

I’m about to go there and pick it up para sa kanya when suddenly may lalaking dumaan na naka-bisikleta.

Tumigil siya. Bumaba sa bisikleta. Iniabot ang mangga sa bata. Ngumiti. At nagpatuloy na parang walang nangyari.

Napa silent clap ako. Haha. Literal. Sa gilid ng daan. I just witnessed a good deed! :))

Today, I feel blessed to see this.

Dalawang matanda na nakauwi na dahil sa mangga.

Mga batang tumalon sa saya dahil sa isang simpleng prutas.

Isang lalaking tumigil para sa isang batang hindi niya kilala.

At ako, umuwi na may galak sa puso.

You know, I saw this vlog ni Ivana Alawi this morning. 

Hakot grocery. Bigay ng iPhone. Basta tulong sa kung sino-sino. Grabe ang nagagawa niya.

I love her for doing that, such an inspiration!

And I thought, hindi kailangang maging Ivana para makagawa tayo ng kabutihan.

Hindi kailangang malaki.
Hindi kailangang may budget.

Isang mangga lang. Isang saglit ng oras mo, can make a change.

Sobrang daming tao ngayon na nangangailangan ng kahit isang sandali ng kabutihan. 

Isang ngiti. Isang “okay ka lang?” Isang pakiramdam na may nagmamalasakit.

Goodness is still very much alive in this world.

Take all the chances to do good.

Kahit maliit. Kahit walang nakakakita.

Dahil minsan, isang mangga lang sapat na para makapagpangiti ng iba. :))

And we can become God’s representative in this unfair world.

#Kindness #GoodVibesOnly #FilipinoSpirit #PayItForward #Gratitude #KindnessIsContagious



No comments: