Sunday, May 03, 2026

Napansin ko lang

Napapansin ko lately sa Threads, X, at dito sa FB ang daming self-identified “middle class,” mga taong nasa ~25k ang monthly income, at galit na galit sa 4Ps (laylayan).

Teka lang po, reality check po tayo, let’s be accurate. At ₱25k/month, nasa around ₱478 (SalaryPH) lang ang income tax mo. Maliit lang ang direct income tax contribution sa level na ‘to, samantalang malaking bahagi ng pondo ng gobyerno galing sa VAT, na binabayaran ng lahat tuwing bumibili ng goods at services. Yes po, including the poor sector.

HINDI PO IKAW ANG BUMUBUHAY SA 4Ps. Sa totoo lang, mas malaki pa nga ang napupunta sa basic services na ginagamit mo o ng pamilya mo: kalsada, ospital, eskwelahan. So technically, nakikinabang ka pa din sa mga government services kahit maliit lang ang tax contibution mo.

Kung feeling mo “sarap buhay” ang mga benepisyaryo ng 4Ps, puwede mo namang subukan. Mag-resign ka at mabuhay sa kakapurit na tulong. Doon mo makikita kung gaano kahirap ang realidad.

For context, nasa around 100x mo ang binabayad kong tax. Pero hindi ako nag-aaksaya ng energy sa pag-“punch down.” Oo, hindi perpekto ang social programs ng gobyerno, madalas band-aid solution nga lang. Pero nandiyan ‘yan dahil may mas malalaking problema sa sistema na hindi maayos-ayos.

Kung may dapat pagtuunan ka ng galit, hindi ‘yung mga taong pilit lang kumakapit sa buhay, kundi ‘yung corruption, inefficiency, at maling paggamit ng pondo.

Ang malaking problema, ang tatapang nyo sa mga mahihirap, pero tiklop kayo sa mga kurakot.





No comments: