Thursday, May 07, 2026

Referral

ANU NGA BA ANG KAHALAGAHAN NG REFERRAL MULA SA DOCTOR?

Napaisip lang ako kahapon habang nasa ospital.

May nakasabay kasi akong taga-probinsya na gustong magpacheck sa charity dahil sa vascular case niya. 

Malayo pa ang pinanggalingan niya kaya ramdam mo talaga yung pagod at pag-asa nilang makapagpatingin.

Nung tinanong ko kung may dala siyang referral o kahit anong proof ng sakit niya, mukhang kulang yata ang mga dokumentong dala niya kaya hindi siya agad naasikaso sa charity.

Ang mas nakakalungkot, sila pa mismo ang naghanap ng doctor na pwede nilang puntahan. 

Ang sabi nila, nasa convention daw ang specialist kaya pinabalik sila ng Lunes.

Doon ko mas naisip kung gaano kahalaga ang maayos na guidance para sa mga pasyente lalo na yung mga galing pa sa malalayong lugar.

 Minsan hindi lang sakit ang dala ng tao, kundi pagod, gastos, kaba, at pag-asa rin.

Kaya para sa mga may malalalim na kondisyon, malaking tulong talaga kung may referral, medical abstract, laboratory results, at tamang impormasyon bago pumunta sa ospital para hindi masayang ang oras at hirap ng biyahe.

Paalala lang din ito at konting awareness para sa lahat. 

Sana sa mga ganitong sitwasyon, mas mabigyan din ng maayos na gabay ang mga pasyenteng naghahanap ng tulong.

#HealthAwareness #PatientCare #HospitalExperience #ReferralMatters #MedicalJourney #HealthReminder #CharityCare #SupportPatients #HealthTips #AwarenessPost

No comments: