Hindi ko akalain dati na darating ako sa point na kailangan ko na isipin yung blood sugar ko.
Nung time na prediabetic ako, overweight ako, lampas 181 lbs. Konting galaw lang hinihingal na agad ako. Parang ang bilis ko mapagod kahit simpleng activities lang.
Dumating sa point na napaisip ako kung magtutuloy-tuloy ba ako sa ganitong lifestyle, saan ako pupulutin.
So I started making small changes.
Hindi siya biglaan at lalong hindi siya perfect.
Una kong tinigil yung softdrinks. Dati halos araw-araw ako umiinom, pero pinalitan ko ng tubig. Naglalagay din ako ng chia seeds sa tubig ko para may dagdag fiber.
Pangalawa, naging conscious ako sa pagkain ko. Nag-start ako sa calorie counting para magkaroon lang ng awareness, hanggang sa nasanay na ako pumili ng mas okay na pagkain.
Mas nag-focus din ako sa fiber at protein kasi mas nakakabusog sila, kaya hindi ka laging naghahanap ng extra kain.
Nag-start din ako maglakad, around 20 to 30 minutes a day. Simple lang pero ginawa ko siyang consistent.
May mga times din na nag-try ako ng herbal options tulad ng serpentina capsule, kasi mas convenient siya for me.
After around 7 to 8 months, unti-unti kong nakita yung changes. Mas naging okay yung pakiramdam ko, mas may energy, at mas naging maayos yung routine ko.
Hindi siya madali, pero possible siya kung consistent ka.
Kung naghahanap ka ng simpleng paraan para magsimula, pwede mong subukan yung mga ganitong small changes sa daily routine mo.
#diabetes #diabetesawareness #prediabetes #healthtips #wellnesstips

No comments:
Post a Comment