Sa panahon ngayon kaliwat kanan ang motivation na mababasa mo. Lahat may sasabihin na dapat ganito, eto gawin mo, mali yan ginagawa mo. Mga post at taong ippoint out kung gaano ka kamali, kung gaano ka kalost sa buhay mo.
Minsan imbes na maencourage ka, malighten up yun heart mo pero nagtataka ka kung bakit yun pakiramdam mo lalo ka pang naddown, na bakit lalo kang nababaon sa stuck up na kinalalagyan mo. Still Empty...
Dati sila lng yun tao na nakikita natin palasimba at paglabas ng simbahan sobrang righteous, may kilala ka ba? Yun tipong kunwari itatama ka, pagsasabihan ka pero yun pala pgtalikod mo kinukwento ka nman sa iba kung gaano kafuck up ang buhay mo. Tawag sa kanila sa bible is hypocrite. (but to be fair hindi nman lahat ay ganyan)
Napansin ko sa ngayon dumami na sila, at ito ay sa ibat ibang form.
Yun iba, nakabasa lng ng libro about sa author na sikat, matalino, successful at pagkatapos nun they will preach you about motivation, about quotes, etc etc... Ayos lng nman sana yan, kaya lng ang nakakainis madalas, yun ang galing galing makasabi at makaturo sayo, pero sya pala hindi sinasabuhay, hindi nagrreflect sa kanya yun sinasabi nya, yun binabasa nya. Empty...
The other form that I observed is yun may nakita at napanood lng sa Youtube, Tedtalk etc, then after that biglang feeling hype, feeling woke at nagbibida na sa kaibigan or kakilala nya, sa wall nya sa fb. Pero yun tutuo hindi nya nauunawaan yun napanood nya. Empty...
Bakit ko nasabi?
Dahil mismong sya walang growth sa buhay nya, nagiging ganun lng sya after nya makapanood or makapakinig ng inspiring message. Parang napossess lng sandali then after that high wala na, back to old life. Walang manifestations at flow sa buhay nya. Marami sa kanila puro sa umpisa lng. Tila ba para itong isang drugs na kailangan mo uling magtake ng bagong inspiration and motivations para ganahan ka ulit. At sa usong uso culture na ito makikita mo yun sinasabing, He need a new/another pill of motivation to get inspired again.
Whats my point???
Gusto kong sabihin na, wala nman masamang magshare at magmotivate, ayos yan. Pero alam mo ba na hindi lahat ng tao kailangan ng salita... Hindi lahat ng tao gusto lagi binabagsakan ng motivation. Minsan makikita mo sa iba kung gaano sila kadisappointed sa taong palagi nilang sinasabihan at sinisharean kapag nakita nila na walang pagbabago. Tapos sasabihin nila, kahit anong gawin mo walang pagbabago sa taong ito.
Bakit kaya? Because not everybody wants to hear words. Because Action is louder than any words...
Sa panahon ngayon sa sobrang dami ng post about motivation, people are so fed up and some of them maybe they haven’t realized yet, but they are like zombies. Paano? Yun tango na lng ng tango sa nakikita at nabasa, sunod lng ng sunod kahit ayaw o hindi naintindihan simply because, ayaw nilang makita silang mali ng society or culture na ito.
True motivation, hindi ito basta nauuso lng. This should be a way of life and something that can be seen in you.
Whats my point?
Next motivation please 😓😓
Pasensya na kung sinasabi ko ito at sa maooffend sa post ko, gusto ko lng magreal talk ✌️✌️
#sundayrealtalk
_______________
Guillen Rocher
No comments:
Post a Comment