Sa class reunion, and upuan ay nakaayos base sa income. Walang nag-akala na ang mahirap na lalaki ay magtatanong, “Saan uupo ang isang bilyonaryo?”
...............................................................................................
“[BDO Bank] Nineteen years. The balance of your account ending in **107 is USD 1,500,000.00.”
Laking gulat ni Gerald ng makita niya ang mga numero.
Isa’t kalahating milyong dolyar?
Sinong magpapadala sa kanya ng isa’t kalahating milyong dolyar?
Agad tinawagan ni Gerald ang banko upang kumpiramhin ang padala at mas lalo siyang nalito ng kumpirmahin ito ng banko.
Sa mga sandaling iyon, muling tumunog ang kanyang cellphone. Isa itong tawag mula sa isang international phone number at agad itong sinagot ni Gerald.
“Gerald, natanggap mo ba yung pera na ipinadala ko? Ako ang iyong ate!” Isang pamilyar na boses ang kanyang narinig sa telepono.
“Ate! Anong nangyayari? Hindi ba’t nagta-trabaho kayo sa ibang bansa pati na ang magulang natin upang kumita ng pera? Saan kayo nakakuha ng ganitong klase ng pera?”
Hindi makapaniwala si Gerald sa mga pangyayari.
“Ah, balak pa itago sayo ng ating ama ang katotohanan ng mga dalawa pang taon pero hindi ko na kinaya dahil alam ko na palagi kang binubully sa school. Kaya nagdesisyon ako na sabihin agad sayo. Mayaman talaga ang pamilya natin. Ang Pamilyang Crawford ay may malaking negosyo sa iba’t-ibang parte ng mundo. Alam mo ba na eighty percent ng gold mine, minerals, at petrolyo sa Africa ay pagmamay-ari ng pamilya natin?”
“Hindi pa kasama dito ang iba pang industriya sa Daxtonville at abroad.”
Ano!
Agad napalunok si Gerald. Kung wala pa sa kanya ang isa’t kalahating milyong dolyar sa kanyang account, hindi siya maniniwala sa kanyang mga narinig.
Inakala niya talaga na binibiro lang siya ng kanyang ate!
“Alam ko na hindi kapani-paniwala ang mga sinabi ko, ngunit Gerald, kailangan mo dahan-dahang tanggapin ang katotohanan. Nung umpisa, pinalaki din ako sa isang mahirap na environment pero dahan-dahan din ako naging pamilyar na mamuhay bilang isang mayaman. At saka, may pinadala ako sayo at dadating na siguro ‘yon ngayong umaga. Mula ngayon, wala ka ng magiging problema pagdating sa pera.”
“Hindi ko alam kung magkano ang mga bilihin sa Daxtonville sa panahon ngayon pero wag ka mag-alala, gamitin mo ‘yang isa’t kalahating milyong dolyar sa ngayon. Tatawagan ulit kita sa susunod na buwan!”
Pagkatapos matapos ng tawag, hindi padin lubos na makapaniwala si Gerald.
Buong buhay niya siyang namuhay bilang isang mahirap.
Ngunit…
Isa pala siyang second-generation rich kid?
Kabanata 2
Lumalabas nagsinungaling sa kanya ang kanyang nakakatandang kapatid at mga magulang nang sinabi nila sa kanya na nagtatrabaho sila sa ibang bansa.
Pagkatapos nito, agad tumawag si Gerald sa kanyang mga magulang. Nagalit sila ng malaman nila na sinabi sa kanya ng kanyang ate ang tungkol sa kanilang kayamanan nang walang pahintulot ngunit makalipas ang ilang sandali, napagpasyahan nilang humingi na lamang ng tawad kay Gerald.
Sinabi kay Gerald ng kanyang ama na napilitan siya kundi gawin ito dahil gusto niyang palakihin siya na mapagkumbaba. Pagkatapos nito, maraming ipinaliwanag sa kanya ang kanyang ama!
Pagkatapos ay nag-withdraw si Gerald ng isang daang libong dolyar mula sa bangko bago siya mamili kasama ang ilan sa mga black bank card na ipinadala sa kanya ng kanyang kapatid.
Sa katunayan, hindi pa rin lubos na kumbinsido si Gerald. Panaginip lang ba ang lahat ng ito?
Labis ang pagkasabik ni Gerald sa mga oras na ito.
“Hahaha. Xavia kung hindi ka nakipaghiwalay sakin, mabibilhan na kita ngayon ng kahit ano pang gustuhin mo.”
“Yuri at Danny, inisulto niyo na ako at ginawang katatawanan sa unibersidad. Ano kaya ang magiging reaksyon niyo kapag nalaman niyo?”
Napangiti na lamang si Gerald.
Halos tanghali na nang makaalis siya sa bangko.
Sa oras na ito, tumunog ang cell phone ni Gerald at napagtanto niya na ito ay isang tawag mula sa pinuno ng kanyang dormitoryo.
“Hello!”
“Gerald, okay ka lang ba? Bakit wala ka sa dormitory?”
“Ah, lumabas lang ako para magpahangin!”
“Loko ka! Halos mamatay kami sa pag-aalala sayo. Nga pala, birthday ni Naomi ngayon. Dahil hindi ka niya ma-contact, sinabihan niya ako na tanungin ka kung pupunta ka sa birthday party niya mamayang gabi. Sabi niya nabanggit na niya sayo yung birthday party niya nung mga nakaraang araw!”
Pagkatapos margining ang kayang sinabi, tinignan ni Gerald ang listahan ng mga tawag na hindi niya nasagot sa kanyang telepono bago niya mapagtanto na mayroon ilang tawag mula kay Noemi na hindi niya nasagot.
Si Naomi ay isang kaklase ni Gerald at bukod sa napakaganda nito, malapit na malapit din siya kay Gerald.
Bukod kay Xavia, si Naomi ang bukod-tanging babaeng kaibigan ni Gerald.
Sa katunayan, naalala ni Gerald na sinabi sa kanya ni Naomi ang kanyang birthday nung mga nakaraang araw. Subalit, hindi siya sumagot dahil namomroblema na siya sa kung anong kakainin niya ng mga araw na iyon.
Ngunit ngayon... nagpasya si Gerald na mabuhay tulad ng isang normal na tao sa harap ng kanyang mga kaibigan.
Sa anong kadahilan kung bakit hindi siya pupunta sa birthday party?
“Kailangan ko ng regalo para sa kanya diba?”
Pagkatapos ibaba ang telepono, nagtingin-tingin si Gerald sa kanyang paligid at ang tanging lugar na pumukaw sa kanyang paningin ay ang Hermes shop.
Isa itong luxury store na kilala sa buong mundo na nagbebenta ng napaka marangyang kagamitan. Kahit na ito ay may kamahalan, maraming second-generation rich kids mula sa unibersidad kung saan pumapasok si Gerald ang mahilig na magpunta dito sa dahil sa dala nitong prestihiyo.
Hindi plano ni Gerald na pumasok sa tindahan ngunit bigla niya naisip ang Universal Global Supreme Shopper’s Card na ipinadala kanyang ate.
Labis na tukso ang kanyang naramdaman sa mga sandaling ito.
Nag dalawang-isip isip siya na gumastos ngunit ng maisip niya ang tunkol sa card, agad na nawala ang pag-aatubili ni Gerald.
Pagktapos huminga ng malalim, agad na nagtungo si Gerald sa Hermes boutique store.
“Hello sir, ano po ang magagawa ko para sa inyo?”
Isang magadang salesgirl ang magalang na bumati kay Gerald.
Kahit na may bakas ng pagkutya sa kanyang mga mata ng makita niya ang damit ni Gerald, nanatili siyang magalang.
Alam niya na lahat ng pumapasok sa tindahang ito ay kadalasan magtitingin-tingin muna ngunit hindi niya maintindihan kung bakit papasok ang isang katulad niya sa ganitong klase ng boutique store.
“Magtitingin-tingin muna ako,” sagot ni Gerald. Ito ang unang beses na pumasok siya sa ganitong klase ng marangyang tindahan kaya wala siyang ideya kung ano ang dapat bilhin.
May bahid ng kutya sa mukha ng salesgirl habang pinapanuod niya kay Gerald.
“Yuri, pwede mo ba ko bilhan ng bag?”
Sa sandaling ito, isang pamilyar na boses ang narinig ni Gerald at nakita niya ang isang magandang dilag na papasok sa tindahan habang nakakapit sa braso ng isang lalaki.
Biglang nagbago ang ekspresyon ni Gerald ng makita niya ang dalawa pagkatalikod niya.
Sino pa ba kundi sina Yuri at Xavia.
“Hello! Siya po ba ang iyong girlfriend Mr. Lowell? Ubod po siya ng ganda!”
Sa sandaling makita ng salesgirl na natumutulong kay Gerald si Yuri, nagkaroon ng matinding pagbago ang kanyang ugali habang binati niya ito ng may ngiti sa kanyang mukha.
Alam ng ng lahat ng si Yuri as isang second-generation rich kid at kapansin-pansin siya kahit saan siya magpunta. Ito ang rason kung bakit agad-agad nagpunta sa kanya ang salesgirl.
“Rachel, ito ang girlfriend ko, si Xavia. Dinala ko siya dito ngayong upang magtingin dahil gusto ko siya bilhan ng isang bag.”
Namula ang mukha ni Xavia sa sandaling ito. Mapapansin na isang tunay na mayamang binata si Yuri kahit saan siya magpunta.
Sa sandaling iyon, tinuro ni Xavia ang isa mga bag at sinabing, “Yuri, gusto ko ang bag na ‘to!”
Ang bag ay nakalagay sa isang aparador at mukhang napaka engrade at marangya.
Ngumiti si Rachel bago sinabing, “Ang bag na ito ay isang collector’s edition na inilibas noong pagdiriwang ng 200th Anniversary Celebration ng Hermes. Mayroon lamang dalawang daang ginawa na ganitong bag sa buong mundo at ito ay nagkakahalagang $55,000!”
“Ano?!”
Hindi napigilan ni Xavi na magulat.
Nabigla din ng bahagya si Yuri bago ngumiti at sinabing, “Rachel, kung hindi ako nagkakamali, isa itong handmade bag na may mahusay na pagkakagawa. Inilibas lang ito noong nakaraang taon at napabilang na ito sa listahan ng world’s top ten luxury goods, hindi ba?”
Nagulat si Rachel sa lawak ng kaalaman ni Yuri. “Tila marami kang alam tungkol sa mga bags!”
Napailing si Yuri bago sinabing, “Mahiling akong magresearch tungkol sa mga luxury goods pero napakamahal talaga ng bag na ito.”
Matapos sabihin ito, tinignan ni Yuri si Xavia bago niya sinabing, “Mahal ko, kakaiba talaga ang panlasa mo. Bibilhan nalang kita ng ibang bag na may halagang five or six thousand dollars.”
Mas gugustuhin ni Yuri na mamatay kaysa bumili ng isang bag na nagkakahalagang limampu’t limang libong dolyar!
Napanguso si Xavia at sinabing, “Si Alice binilihan ng kanyang boyfriend ng isang bag na more than eight thousand dollars!”
“Kailangan mo maghintay hanggang sa dumating yung allowance ko sa susunod na buwan, kung ganon!”
Sa mga sandaling iyon, agad pinalubutan ng mga taong nakarinig kay Rachel habang ipinipakakilala ang aparador na naglalaman ng napakarangyang bag.
Tila napakatalino ni Yuri habang pinag-uusapan ang tungkol sa bag na may halagang $55,000!
Napahanga ang lahat sa kanyang kaalaman.
Nang makita ni Gerald na iniwan na siya magisa ng salesgirl, hindi na niya ninais na magtagal pa sa boutique shop dahil hindi niya gusto na makita siya ni Xavia.
Sa mga sandaling iyon, isang mas batang salesgirl ang biglang lumapit kay Gerald at yumuko at sinabing, “Hello sir… ano po maitutulong ko sa inyo?”
Tila kakasimula niya lang magtrabaho bilang isang salesgirl.
Medyo mahiyain pa ang mga kilos niya.
Ngunit, napalambot nito ang puso ni Gerald dahil siya ay napaka magalang.
“Ah, gusto ko bumili ng isang regalo!” Agad na sagot ni Gerald.
“Sir, meron po ba kayong Shopper’s Card? Kung meron po, magkakaroon po kayo ng discount sa mga bibilhin niyo.”
Kahit na si Gerald ang kanyang kauna-unahang customer, hindi niya ito hinusgahan dahil lamang sa simple nitong histura. Sa halip, nagpatuloy siyang magsalita sa propesyunal na pamamaraan.
“Oo, meron. Pwede bang tignan mo ‘to?”
Inilabas ni Gerald ang Universal Global Supreme Shopper’s Card na inibigay sa kanya ng kanyang kapatid na babae bago niya ito iniabot sa salesgirl.
Nanlaki ang mga mata ng salesgirl ng makita ang card.
“Ito ay, ito ay isang… black gold card?”
Patuloy na napatitig ang salesgirl kay Gerald dahil sa pagkagulat at tila hindi makapaniwala. Mukhang isang ordinaryong mag-aaral laang ang lalakingi ito at hindi isang sikat na mayaman. Paano siya nagkaroon ng isang black gold card?
Nalito si Gerald at tinanong niya, “Anong ang black gold card?”
Isa itong supreme-level card at maari kang gumastos ng hanggang three hundred thousand dollars on this card, at ang minimum na halaga bawat transaksyon ay fifty-thousand dollars, sir!”
Mas lalong nalito si Gerald sa sandaling iyon. Alam niyang mayaman ang kanyang pamilya ngunit hindi niya kung gaano sila kayaman!
“Sir, batay po sa mga item na kasalukuyang nandito sa aming store, hindi niyo po maaring magamit itong black gold card sa mga regular luxury goods sa shop. Pero, madali niyo pong maabot ang minimum transaction kung ang bibilhin niyo po ay yung collector’s edition bag. Dadalhin ko na po iyon sa inyo ngayon.”
Muling yumuko ang salesgirl bago kaagad na umalis.
Sa mga sandaling iyon, nagititingin-tingin pa si Xavia at Yuri sa boutique store habang hangang-hangang tinitignan ang mga bag.
Binuksan ng batang salesgirl ang cabinet bago kinuha ang collector’s edition bag.
Napasimangot agad si Rachel bago sinabing, “Wendy, ano sa tingin mo ang ginagawa mo?”
Tumalikod si Wendy at sumagot, “Gusto ko ipakita ang bag na ito sa isang customer!”
“Itong klase ba ng bag ang dapat mo na ipakita sa kahit sinong customer? Kanino mo iyan ipapakita?”
Sumimangot si Rachel habang tumititig kay Wendy.
Tinignan ni Wendy ang direksyon kung nasaan si Gerald at magalang na sinabi, “Sa lalaking iyon.”
Tumalikod din sina Yuri at Xavia upang tignan ang direksyon na tinuturo ng salesgirl bago tumawa ng malakas.
“Hahaha!”
Hindi mapigilan ni Yuri ang kanyang pagtawa ng makita niya si Gerald.
Kung maari lang, nagpagulong-gulong na siya sa sahig habang tumatawa.
“Anong pinagsasabi mo? Gusto makita ng lalaki na ‘yon ang collector’s edition bag?” Tanong ni Yuri habang nakaturo kay Gerald.
Isa itong malaking katatawanan para kay Yuri.
Tinitigan ni Yuri si Gerald ng may pagkutya sa kanyang mukha at nahiya ng kaunti si Gerald sa mga sandaling iyon dahil maaraming tao ang nakatingin sa kanya.
Hindi din maipinta ang ekspresyton ni Rachel nang sinabi niyang, “Wendy! Sa tingin mo ba kayang bilhin ng lalaking iyon ang kahit anong bag sa boutique store na ito? Sino ang niloloko mo?”
“Nagkakamali ka Rachel. Ang customer na iyon ay mayrong black gold card. Isa siya sa mga VIP customer natin!”
“Hahaha!” Tumawa muli ng malakas si Yuri. “Isang VIP customer? Sikat yan na pobre sa aming unibersidad!”
Tinignan din ni Xavia si Gerald na may bahid ng pagkainis habang sinabi, “Gerald, hindi ka ba nahihiya? Bakit hindi ka pa umalis sa lugar na ‘to?”
Hahaha…
Tumingin si Gerald sa paligid habang patuloy na kinukutya siya ng mga tao. Nalagay din sa mahirap na posisyon ang salesgirl dahil tinititigan ni Rachel na may pagkutya si Gerald.
Sa mga sandaling iyon, kalmadong naglakad si Gerald patunong sa counter saka niya nilapag ang kanyang black gold card sa counter.
“Bibilhin ko yung collector’s edition bag ngayon din!”
Kabanata 3
“Gerald, bakit ka ba nagpapanggap na mayaman?” Pakutyang tanong ni Xavia.
Subalit, nagulat si Rachel pagkatapos ilapag ni Gerald ang black gold card sa counter.
Ang Universal Global Supreme Shopper’s Card para sa mga luxury store ay para laman sa mga pinakamayayaman at pinakamakapangyarihan na pamilya sa mundo.
Walang duda na ang nagmamay-ari ng black gold card ay totoong mayaman at makapangyarihan.
Sa kabilang dako, agad na dinala ni Wendy ang card reader papunta sa counter.
Pagkatapos nito, inilagay ni Gerald ang kanyang birthday bilang passcode sa card reader at natapos ng maayos ang transaksyon.
Maayos na natapos ang transaksyon!
“Diyos ko po!”
Nabigla ang lahat sa mga pangyayari.
“Diyos ko. Talaga bang binili ng binatang ‘yon ang Hermes collector’s edition bag na may halagang fifty-five thousand dollars?
“Talaga bang isang mapagkumbabang second-generation rich kid ang binatanbg ‘yon?”
Napatitig ang lahat kay Gerald.
Sa mga sandaling iyon, kahit si Yuri ay hindi makapaniwala at napatitig kay Gerald.
Paano naging mamayan ang pobreng iyon? Nakaramdam siya ng matinding hinagpis sa kanyag dibdib.
Bukod pa dito, pinakitang-gilas niya pa ang kanyang kaalaman sa mga luxury goods bago mangyari ang lahat ng ito!
Ngayon siya ang naging katatawanan!
Lubos na hindi makapaniwala si Xavia sa mga sandaling iyon.
“Ikaw… san mo nakuha ang card na iyon Gerald?”
Paano niya nagawang mabili ang bag na nagkakahalang fifty-five thousand dollars? Hindi makapaniwala si Xavia na nagmamay-ari si Gerald ng isang Universal Global Supreme Shopper’s Card.
Talaga ba na binili niya ang bag na iyon?
Totoo ba ang mga nangyari?
Tumingin si Gerald kay Xavia ngunit wala siyang sinabi.
Mayroon parin siyang sakit na nararamdaman ngunit malamig padin ang kanyang naging pakikitungo kay Xavia. Sa mga sandaling iyon, inisip ni Gerald sa kanyang sarili, ‘Ang ate ko ang nagbigay sakin ng card na ito at magagawa ko bumili ng isang bagay na nagkakahalaga hanggang three hundred thousand dollars!’
“Sir, ibabalot ko lang po ang bag na ito para sa inyo. Maari lang po na maghintay kayo ng mga kalahating oras.”
“Isa po itong mamahaling bagay kaya kailangan naming masigurado na perpekto ang pagkakabalot sa bag na ito.”
Hindi maiwasan ni Gerald na makaramdam ng pagkahiya dahil sa matinding pagtitig sa kanya ng mga tao sa paligid.
Pagkatapos niyang tanggihan ang pagbalot ng produkto, kinuha ni Gerald ang bag at agad na naghanda para umalis.
“Teka lang! Tumigil ka saglit!”
Hindi maipinta ang mukha ni Yuri habang naglakad siya sa harapan ni Gerald upang pigilan siya makaalis.
“Anong kailangan mo?” Pagalit na tanong ni Gerald.
Ngumisi si Yuri bago tinuro ang black gold card sa kamay ni Gerald. “Suspetya ko na ninakaw mo yang black gold card. Dahil sa panahon ngayon, hindi na mahirap ang magnakaw ng password o passcode!”
Pagkatapos nito, tumingin si Yuri kay Rachel bago sinabing, “Rachel, advise ko lang na tawagan niyo ang manager niyo para tignan ang bagay na ito. Kung totoong nanakaw ang black gold card na ito, mag-iiwan ito ng masamang reputasyon para sa boutique store kapag kumalat ang issue na ito!”
Nahimasmasan si Xavia sa mga sandaling iyon at agad sinabing, “Oo, Rachel. Paanong magkakaroon ang isang pobra na katulad niya ang magmamay-ari ng isang supreme card at makabili ng isang napakamamahaling bag?”
Hindi padin makapaniwala si Xavia.
Naisip ni Rachel na may kabuluhan ang kanilang pinagsasabi.
Kung gayon, tumingin siya kay Gerald at sinabi, “Sir, kung maari lang po na maghintay kayo ng ilang sandali. Dadating din po agad ang aming manager dito.”
Pagkatapos nito, humarang ang mga tao sa daan ni Gerald na para bang pinipigilan nila na tumakas ang isang mandurugas!
Hindi inaasahan ni Gerald na gumawa ng problema dahil lang sa kagustuhan na bumili ng bag.
Ngunit, alam niya na hindi siya makakaalis kahit na gustuhin niya.
Maari lang siyang manatili dito na nakatayo at maghintay para sa store manager.
Ilang sandal lang, isang babae na nasa kanyang early thirties na elegante ang pananamit ang dumating sa harap ng mga tao.
Agad sinabihan ni Rachel and manager na suspetya niya na isang fraudster si Gerald na nagnakaw ng black gold card na pagmamay-ari ng iba!
Tinignan ng manager si Gerald bago ngumiti at sinabing, “Pasensya na po Sir, pero kung okay lang po sa inyo, maari po ba na tignan naming ang inyong black gold card?”
Puno ng respeto at may paggalang ang kanyang mga kilos dahil siya ang manager ng store at hindi siya nanghuhusga ng customer base sa kanilang hitsura.
Wala nang ibang nagawa at wala ng masabi si Gerald kundi iabot ang kanyang black gold card sa manager.
Naglabas ang manager ng isang espesyal na card reader.
Pagkatapos, maayos niyang iniligay ang card sa loob.
“Sir, maari ko po ba malaman ang inyong apilyido? Maari ko rin po ba na malaman ang inyong ID number,” magalang na tinanong ng manager.
“Ang pangalan ko ay Gerald Crawford at ang pangalang ng kapatid ko ay Jessica Crawford!”
Kahit na ang iniligay ng kanyang kapatid bilang passcode sa card ay ang kanyang birth date, hindi sigurado si Gerald kung ang card ay sa kanya nakapangalan o sa kanyang kapatid. Ibinigay din ni Gerald ang kanyang ID sa manager ng walang alinlangan.
“Tignan natin kung paano siya makakalusot ngayon!” Sabi ni Yuri habang nakangisi. Agad niyang inilabas ang kanyang telepono upang agad na makapag-ulat sa pulis nang malaman nila ang katotohan tungkol kay Gerald!
Nagpatuloy ang babaeng manager sa kanyang inspeksyon.
Ilang sandal lang, kita ang labis na pagkatakot sa kanyang mga mata ng makita niya na si Gerald ang tunay na nagmamay-ari ng black gold card.
Tunay na isa siyang supreme member at nangangahulugan ito na isa siyang miyembro ng isang napakayaman at makapangyarihan na pamilya sa mundo!
Agad na pinagpawisan ang manager. Lintik na yan! Dahil kay Rachel nakagawa siya ng pagkakamali sa isang importante at makapangyarihan na customer!
Kinuha ng manager ang card at naglakad patungo kay Gerald saka magalang na yumuko sa harapan niya.
“Dear Mr. Crawford, nanghihingi po ako ng umanhin kung naabala ko kayo. Heto po ang inyong black gold card.”
“Ano?”
Nabigla ang lahat sa mga pangyayari.
Nakaharang si Rachel sa harapn ni Gerald dahil pinipigilan niya ito makaalis at nakaramdam siya ng sobrang kahihiyan sa mga sandaling iyon.
“Manager… sigurado… sigurado po ba na hindi kayo nagkakamali? Siya ba talaga ang nagmamay-ari ng black gold card?”
Biglang sinampal ng babaeng manager si Rachel. “Tumabi ka ngayon din!”
Tinakpan ni Rachel ang kanyang mukha gamit ang kanyang kamay habang agad na tumabi sa gilid.
Napatulala si Yuri at Xavia sa mga nangyari.
Alam ng manager na kilala nina Yuri at Xavia si Gerald at sila ang may pakana na pahiyain siya.
Kaya inisip niya na makakabuti kung makukuha niya ang pabor ni Gerald kung papaalisin niya ang dalawa sa Hermes store ngayon!
Agad na lumapit ang manager kina Yuri at Xavia at sinabing, “Excuse me, anong ang sinusubukan niyong patunayan? Bakit niyo hinimok ang aming salesgirl upang pahiyan ang aming VIP customer?”
Napatulala si Yuri sa manager bago sumagot, “Binigyan ko lang kayo ng babala bilang isang pabor!”
“Nagpapasalamat kami sa inyong kabaitan pero kung hindi kayo bibili ng kahit ano, mas makakabuti kung agad kayong lalabas sa aming store.”
Matinik ang mga salita ng babaeng manager.
Pinapalayas niya sila sa kanilang store!
Tumingin si Xavia kay Yuri, nagbabakasakali na may magagawa siya upang makatakas sila sa nakakahiyang sitwasyong iyon.
Subalit, di narin mapakali si Yuri sa mga sandaling iyon. Kahit na maglabas siya ng pera upang makabili ng bag na nagkakahalang sampong libong dolyar, hindi iyon maikukumpara kay Gerald.
Si Gerald ay isang supreme customer!
“Tara na!”
Kita ang panggagalaiti ni Yuri habang hinatak niya si Xavia palabas ng store.
Sa sandaling din na iyon, nakayuko si Rachel sa harap ni Gerald. “Paumanhin po. Nanghihingi po ako ng paumanhin Mr. Crawford!”
Pinagsisisihan niya ang kanyang mga ginawa at lalo niyang pinagsisihan ang paghusga sa mga customer sa kanilang hitsura.
Hindi siya binigyan ng pansin ni Gerald at ngumiti kay Wendy bago sinabing, “Maraming salamat at pasensya na sa mga nangyari ngayong araw. Kahit ‘wag niyo na ibalot ang bag dahil nagmamadali ako. Paalam!”
Pagkatapos ay kinuha ni Gerald ang bag at agad na umalis.
Ito ang unang pagkakataon na nanalo siya sa isang labanan patungkol sa pera.
Sa katotohanan, hindi siya ang tipo ng tao na gagastos ng labis-labis.
Ngunit si Gerald ay isa na ngayong tao na maaring mabuhay na hindi pinoproblema ang pera!
Pagkatapos makaalis sa store, agad na tumunog ang telepono ni Gerald. Isa itong tawag mula kay Naomi.
Narinig ni Gerald ang balisang boses ni Naomi sa telepono ng sagutin niya ang tawag. “Gerald, wala akong pake kung anong tingin sayo ng ibang tao pero isa ka sa mga matalik kong kaibigan! Kailangan mo pumunta sa birthday party ko mamayang gabi. Nandito na ang lahat ng kasama mo sa dormitoryo!”
Ngumiti si Gerald bago sumagot, “Oo, papunta nadin ako diyan!”
“Saka nga pala, siguraduhin mo na maayos ang pananamit mo ngayon! May ipapakilala ako sayo!” Sabi ni Naomi sa telepono.
Napailing nalang si Gerald sa kanyang mga narinig. Dahil hindi niya maaring ibigay ang bag kay Naomi ng hindi ibinabalot, naglakad si Gerald sa pinakamalapit na supermarket upang bumili ng plastic bag na nagkakahalagang dalawampung sentimo. Pagkatapos ay iniligay niya ang Hermes bag sa pulang plastic bag.
Pagkatapos ay nagtawag siya ng taxi bago agad na nagtungo sa Jade Restaurant.
Sa mga sandali din na iyon, sa Jade Restaurant, ibinaba ni Naomi ang telepono bago siya ngumiti sa isang babae na mahaba ang buhok na nakaupo sa kanyang tabi. Mukhang isang diyosa ang babae dahil sa taglay nitong kagandahan!
“Alice, si Gerald ay isa sa mga malapit ko na kaibigan. Mabait siya at matalino! Gusto ko siya ipakilala sayo mamaya.”
May suot na earphone si Alice at iginagalaw ang kanyang paa habang nakikinig sa musika.
Siya ay napaka inosente at napakaganda!
“Okay!”
Si Alice Bradford at Naomi ay magkababata at magkasamang lumaki at pumapasok sa iisang unibersidad kahit na magkaiba sila ng kinukuhang kurso.
Dahil ngayon ay kaarawan ni Naomi, inimbitahan niya si Alice at ilang mga kaibigan niya sa dormitoryo upang ipagdiwang ang kanyang birthday.
Sa oras din na iyon, bagamat alam ni Naomi na isang diyosa si Alice, matagal na itong single simula pa noong high school at kasalukuyang naghahanap ng boyfriend.
Nagbukas ng isang bote ng juice si Alice at ininom ito ng kaaya-aya niya itong ininom.
Sa sandaling iyon, bumukas ang pinto...
Kabanata 4
Ngunit hindi is Gerald ang taong pumasok sa pintuan.
“Danny! Anong ginagawa mo dito?”
Nagbago ang ekspresyon ni Naomi sa sandaling makita niya si Danny.
Sila ay magkaklase at dating naging malapit sa kanila si Naomi.
Subalit napagalaman ni Naomi ng umaga din iyon ang ginawa ni Danny kay Gerald. Kaya nagalit si Naomi kay Danny.
Sa di inaasahang pangyayari, sobrang kapal ng pamumukha ng lalaking iyon at nagawa niya parin na magpunta dito kahit na inaway niya ito.
“Galit ka padin ba Naomi? Nakikipagbiruan lang ako kay Gerald kagabi. Sino nagakalang dadalhin niya talaga yung kahon kay Yuri?”
Sagot ni Danny habang nakangiti.
Kasama niya ang ilan sa kanyang mga kasama sa dormitoryo at lahat sila ay may dalang mga regalo.
Napaka yaman din ng pamilya ni Naomi at maraming beses na sinubukan ni Naomi na tulungan si Gerald. Subalit, lagi itong tinatanggihan ni Gerald.
Matagal ng magkakilala si Danny at Naomi, simula pa noong nasa high school sila.
“Naomi, siya ba si Gerald na gusto mo ipakilala sakin? Anong problema?” Tanong ni Alice habang tinitignan si Danny.
Sa sadaling makita ni Danny si Alice, kumislap ang kanyang mga mata. Sa katotohanan, matagal niya na gustong makilala si Alice. Si Alice ang pinakamagandang babae na nakita niya sa buong Broadcasting and Media Department.
Sa pagkakataong ito, ang tanging rason kung bakit nagkaroon siya ng lakas ng loob na magpunta at manghingi ng tawad kay Naomi ay dahil alam niya na nandito si Alice.
Sa sandaling marinig ni Danny ang sinabi ni Alice, agad niyang sinabi, “Hello, the beautiful Alice. Kaklase ko si Gerald! Isa siyang pobre na ginawa kong katatawanan kahapon! Hahaha...”
Nang maalala ni Danny na dinalhan ng birth control supplies ni Danny ang kanyang ex-girlfriend kagabi, hindi niya mapigilan na tumawa ng malakas.
“Shut up!” Sagot ni Naomi habang tinignan ng masama si Danny.
Sa mga sandaling iyon, makikita sa mukha ni Alice ang pagtataka.
Talaga bang mayrong malaking pagkakaiba ang mga mahihirap at mayayaman na estudyante?
Makikita din na nakasimangot ang mga kasama ni Gerald sa dormitory sa mga sandaling iyon.
“Okay, okay... hindi na ako magsasalita pa.”
Tumawa si Danny bago sinabing, “Naomi, bakit hindi mo tignan kung anong regalo ko para sayo...”
Sa mga sandaling iyon, mayroong nagbukas ng pinto.
Pagkatapos buksan ang pinto, pumasok si Gerald ng may hawak na pulang plastic bag.
“Gerald, sa wakas nandito ka na!”
Agad na napangiti si Naomi.
Tumango si Gerald sa kanya at agad niyang napansin si Danny na nakatitig sa kanya ng may halong pagkutya.
Sa katotohanan, magiging mapagkumbaba si Danny kung ang pumasok ay isang second-generation rich kid. Subalit ngayon...
Si Gerald ang pinaguusapan.
Tinigdan din ni Alice si Gerald sa mga sandaling iyon.
Sa katotohanan, gusto din ni Alice na maghanap ng boyfriend ngunit agad niyang napagtanto na hindi nanggaling sa mayamang pamilya si Gerald. Okay lang kay Alice kung nagmula siya sa isang ordinaryong pamilya basta’t kaakit-akit at may itsura si Gerald.
Ngunit kahit na may itsura si Gerald, napagtanto ni Alice na ang mga suot ni Gerald mula ulo hanggang paa ay nagkakahalaga ng hindi hihigit sa limampung dolyar.
Masyado siyang ordinaryo!
Nang maalala ni Alice ang mga sinabi ni Danny kanina lang, agad na bumaba ang tingin niya kay Gerald.
Kita sa mukha ni Alice ang pagkabigo.
“Gerald, ito si Alice! Alice, itong ang kaibigan ko na si Gerald.”
Ipinakilala sila ni Naomi sa isa’t-isa habang nakangiti.
Tumango si Gerald bago sumagot, “Hello, ako si Gerald. Nice to meet you, Alice.”
Inangat ni Gerald ang kanyang mga kamay upang makipagkamay.
Subalit hindi man lang siya sinubukan tignan ni Alice. Sa halip ay tumalikod lang siya at nagpatuloy na inumin ang kanyang juice.
Naiwan sa ere ang kamay ni Gerald at pagkalipas ng ilang saglit, binaba din niya ang kanyang kamay.
Alam ni Naomi na may ganitong ugali ang kanyang matalik na kaibigan. Kung interesado siya sa lalaki, makikipagusap siya. Kung hindi, hindi niya ito papansinin.
Hindi na nagsalita pa si Gerald tungkol dito.
Naglakad na lamang siya upang umupo sa may lamesa.
Sa mga sandaling iyon, nakita ni Danny ang pulang plastic bag na hawak ni Gerald.
Agad na sinabi ni Danny, “Gerald, birthday ni Naomi ngayong araw. Anong regalo ang dinala mo para sa kanya? Bakit hindi mo ipakita?”
Hindi na matiis ng pinuno ng dormitory ni Gerald ang mga pangyayari at agad agad niyang tinanong, “Danny, bakit ba lagi mong pinapahirapan si Gerald?”
Tumawa lang si Danny dahil labis siyang nasisihayan kapag nangungutya at nang-aasar.
Tumingin si Danny kay Gerald bago ilabas ang regalo na binili niya para kay Naomi.
Lumalabas na bumili din si Danny ng isang black branded na bag para kay Naomi.
“Binili ko ‘to para sayo Naomi. Isang Hermes bag.”
Sa sandaling ilabas ni Danny ang bag, agad na napukaw ang atensyon ni Alice at iba pang mga babae.
“Isang Hermes bag? ‘Di ba nagkakahalaga ang mga bag na ‘yon ng higit sa eight thousand dollars?”
Agad nag-iba ang impresyon ng mga dilag kay Danny.
Napakayaman ng taong ito.
Si Alice, ang dyosa na napakasungit sa lahat, ay hindi mapigilan na tumingin kay Danny sa mga oras na iyon.
“Hindi naman ganon kamahal yan. Kilala ng dad ko ang manager sa Hermers, kaya nabili ko lang yan ng seven thousand nine hundred dollars.”
Napangiti si Danny habang pinagtitinginan at hinahangaan ng lahat ng tao.
Kahit na kinamumuhi ni Naomi si Danny, kinuha niya ang bag ngunit walang sinabi.
“Ang Hermes Rumble ay ang pinakabagong nilabas ng Hermes. Sikat yan sa Macau, Hong Kong, at Taiwan. ‘Yang bag na ‘yan ay nagkakahalaga ng twelve thousand dollars doon!”
Hindi mapigilan ni Alice na mapalunok ng marining ang mga sinabi ni Danny.
Nakita ni Danny ang ekspresyon sa mukha ni Alice at agad sinabi, “Alice, anong tingin mo sa bag na ito? Nagreresearch ka ba sa mga luxury goods?”
Tumingin si Alice kay Danny at bahagyang ngumiti bago sinabi, “Matagal ko ng gustong bilhin iyang bag na ganyan kaso masyadong mahal...”
Agad na sumagot si Danny, “Alice dear, bibilhan kita ng ganyan sa birthday mo! Wala lang naman sakin ang eight or nine thousand dollars. At saka, kilala ko ang mga nagtratrabhao sa Hermes boutique store sa tapat ng ating university.”
Walang sinabi si Alice ngunit ngumiti siya kay Danny.
Kahit na hindi niya personal na kilala si Danny, may mga narinig niya siya tungkol kay Danny at alam niya na isa siyang playboy.
Hindi inaasahan, siya ay matapang at mapagbigay.
Hindi mapigilan ni Alice na bahagyang mapahanga kay Danny sa mga sandaling iyon.
Pagkatapos noon, isa-isang binigay ng pinuno ng dormitory ni Gerald at kanyang mga kasama ang kanilang regalo kay Naomi.
Hindi kasing mahal ng regalo ni Danny ang kanilang mga regalo ngunit nagkakahalaga parin ang kanilang mga regalo ng tatlo hanggang apat na daang dolyar.
Hindi binalik ni Gerald na makagambala at planong ibigay ang kanyang regalo pagkatapos ng lahat.
Subalit sa sandaling iyon, tinignan ni Danny ang pulang plasctic bag sa kamay ni Gerald bago ngumisi at sinabing, “Gerald, pakita mo samin kung ano ang binili mo para kay Naomi. Tignan mo nalang yang hawak mong plastic bag! Napaka festive!”
“Pwede bang tumahimik ka nalang Danny? Masaya ako kahit anong ibigay ni Danny.”
Nagbabala muli si Naomi kay Danny.
Ngunit, umaasa si Naomi habang nakatingin kay Gerald.
Pinagsisihan ni Gerald ang mga pinaggagawa niya.
Dahil nagmamadali siya, hindi niya ginusto na maghintay ng kalahating oras para ibalot ang bag.
Inakala niya na isang simpleng salu-salo lang kasama ang mga malalapit na kaibigan ni Naomi. Hindi niya inakala na nandito din ang walang-hiyang Danny na iyon!”
“Naomi, binilhan din kita ng bag.”
Sabi ni Gerald habang inilabas ang bag mula sa plastic bag na kanyang hawak.
Napasimangot si Alice sa mga sandaling iyon dahil hindi siya makapaniwala sa kanyang nakita.
Napakahirap ng taong iyon! Hindi kapani-paniwala.
“Wow!” Sigaw ni Danny ng ilibas ni Gerald ang bag.
“Akalain mo yun! Binilhan din ng Hermes bag ni Gerald si Naomi! Binilhan niya din ng isang luxury item si Naomi!”
“Gerald, saang bangketa mo nabili ‘yang bag ha? Mura lang ba?”
Agad na napatawa ang mga kababaihan sa mga sinabi ni Danny.
Napailing si Alice sa mga sandaling iyon.
Inakala niya na kahit na mahirap si Gerald, sa malamang ay mabuti parin siyang kaibigan.
Subalit ngayon, bumaba na lalo ang tingin niya kay Gerald.
“Ito ang limited edition collector’s Hermes bag na inilabas noong 200th anniversary nila. Meron lang 200 units ng ganitong bag sa buong mundo at nagkakahalaga ang bawat isa ng fifty-five thousand dollars!”
Agad na nakilala ni Alice ang bag.
“Sobrang daming imitation sa internet at hindi pa nagkakahalang one hunder dollars ang mga peke! Pero kahit na gano ka-vain ang isang tao, hindi nila bibilhin yung imitiation dahil sobrang nakakahiya ang gumamit ng isang pekeng high-end product!”
Wala ng galang ang sinabi ni Alice habang nanlilisik ang kanyang mga mata kay Gerald. Nasusuka siya sa mga ganitong klase ng tao!
Inakala ni Naomi na bibilhan siya nga mga gadgets ngunit hindi niya inaasahan na bibilhan siya ng isang pekeng bagay ni Gerald.
Subalit, ngumiti padin si Naomi at sinabi, “Salamat Gerald. Salamat ng marami at masaya ako kahit ano pa ang ibigay mo sakin pero hindi mo naman kailangan gumastos ng napakamahal sa susunod. Hindi biro ang one hundred dollars para sayo!”
Gusto sanang ipaliwanag ni Gerald ang kanyang sarili at sabihin kay Naomi na tunay at orihinal ang Hermes bag na ibinigay niya ngunit nakita niya na masama na ang tingin sa kanya nina Alice at mga kasamahan niya.
Kaya naintindihan niya na walang maniniwala sa kanya kahit na magpaliwanag siya at baka magkataon na lalo pa silang mandiri sa kanya.
Sa mga sandaling iyon, tumingin si Alice kay Naomi bago sinabing, “Naomi, pano ka nagkaroon ng ganong klase ng kaibigan?”
Walang balak si Naomi na ilagay si Gerald sa isang mahirap na posisyon. Kaya sinubukan niyang ibahin ang usapan.
“Okay, birthday ko ngayon at masayang-masaya ako na ipagdiwang ito kasama kayong lahat. Tara, cheers!”
Patuloy na tumititig at nandidiri sina Alice kay Gerald habang hindi na sumagot ang iba pang mga lalaki.
Napangisi nalang sina Danny at kanyang mga kaibigan kay Gerald.
Walang plano si Gerald na pahirapan at bigyan ng problema si Naomi dahil alam niyang naipit si Naomi sa pagitan ng niya at mga kasamahan ni Naomi.
Agad na tumayo si Gerald at sinabing, “Happy birthday sayo Naomi pero naalala ko na may kailangan pa ako gawin sa dormitoryo kaya mauuna na akong umalis. Enjoy!”
Alam ni Gerald na sumosobra na siya kaya tumayo siya para agad na makaalis.
“Gerald!”
Kabanata 5
Agad na naglakad palabas si Gerald.
Sa mga sandaling iyon, si Naomi at ang namumuno sa dormitoryo ni Gerald na si Harper ay agad na humabol kay Gerald.
“Anong ginagawa mo? Wala naman ako sinabi na hindi ko nagustuhan ang regalo mo,” Dali-daling sinabi ni Naomi.
Nagsalita din si Harper sa mga sandaling iyon. “’Wag ka muna umalis Gerald. Kumain ka muna bago umalis. Kung aalis ka na ngayon, wala nadin kaming gagawin dito.”
Ngumiti si Gerald bago sumagot, “Mag-enjoy lang kayo dito. May kailangan pa talaga ako gawin ngayon pero sana maniwala kayo na hindi ako yung tipo ng tao na bibili ng isang pekeng bagay!”
Hindi alam ni Gerald kung papaniwalaan siya ng kanyang mga kaibigan.
Habang iniisip niya ang mga ito, walang ibang magawa si Gerald kundi sisihin ang kayang kapatid dahil sa binigay nitong card na may minimum spending amount na limamput-limang libong dolyar.
Kahit na patuloy na nakiusap sina Harper at Naomi kay Gerald, nagpasya padin si Gerald na umalis.
“Umalis na ba talaga yung pobre na ‘yun?” Tanong ni Danny habang nakangiti ng makita sina Naomi at Harper sa silid.
Sumagot si Harper, “Danny, pwede bang iba nalang bullyhin mo? Bakit palaging si Gerald nalang? Hindi pa siya nakakaawa?”
Hindi na matiis ni Harper ang mga nangyayari.
“Hahaha. Siya naman gumawa nun sa sarili niya! Bakit siya bumili ng isang imitation na Hermes bag para iregalo kay Naomi? At saka, pinili niya pala talaga yung pekeng limited edition collector’s item. Wala ng tatalo pa sa kanya!”
Napailing nalang si Alice habang nakangiti.
Lumakad si Gerald sa kalsada habang walang kahit anong emosyon sa kanyang mukha pagkatapos umalis sa restaurant.
Noong napakahirap pa ni Gerald, ang tanging hiling niya lang ay maging mayaman. Ngunit ngayon na mayaman na siya, hindi parin niya naramdaman ang inaakala niya.
At saka, binilhan niya ang kaibigan niya ng isang bag na nagkakahalangang limampu’t-limang libong dolyar ngunit kinamuhian parin siya at kinutya!
Habang iniisip ni Gerald kung saan magpupunta, nakatanggap siya ng isang tawag sa telepono.
Isa itong tawag mula sa kanyang kapatid na si Jessica.
Agad na sinagot ni Gerald ang tawag. “Ate!”
“Gerald! Anong ginagawa mo ngayon?”
“Wala, wala akong ginagawa ngayon...”
“Kung wala kang ginagawa ngayon, pwede ba humihi ng pabor?”
Nausisa si Gerald sa sandaling iyon.
“Alam mo ba yung Mayberry Commercial Street? Nag-invest ako sa lugar na ‘yon at dinevelop ‘yon nung bumalik ako sa bansa para makita four years ago. Kailangan ko pumirma sa renewal contract kasama ang ilan sa mga investos kaso hindi ako makakabalik ng bansa ngayon.”
“Sinama ko noon yung pangalan mo sa development ng proyekto. Kaya tayong dalawa ang nagmamay-ari ng Mayberry Commercial Street. Parehas lang ang resulta kung ikaw ang pipirma sa kontrata! Kaya magpunta ka doon at pirmahan ang kontrata para sakin.”
“Hello? Narinig mo ba ang mga sinabi ko Gerald?”
Siyempre, narinig ni Gerald ang lahat ng sinabi niya.
Subalit, lubos na naguguluhan si Gerald ng mga sandaling iyon.
Mayberry Commercial Street?
Isa iyon sa mga espesyalidad ng Mayberry City.
Maraming iba’t-ibang tindahan at mga negosyo sa commercial street.
Nandun din ang isang lugar na tinatawag na Wayfair Mountain Entertainment sa taas ng isang bundok sa kahabaan ng commercial street. Isa itong lugar kung saan madalas puntahan ng mga mayayaman at makapangyarihan na katauhan ng Mayberry City.
Ayon sa kanyang kapatid, sila ang nagmamay-ari ng buong Mayberry Commercial Street?
“Ate, nagsasabi ka ba ng totoo? Tayo ang nagmamay-ari ng buong commercial street?”
“Lintik na ‘yan! Kanina ko pa sinasabi sayo at ngayon iniisip mo na binibiro lang kita? Bakit ako makikipagbiruan sa’yo? Hindi ko kaya na masangkot sa lahat ng industriya ng mag-isa kaya ginamit ko yung ID mo. Ngayon, pagmamay-ari mo na ang kalahati ng commercial street.”
“Nakipag-usap na ako kay Zack, ang may-ari ng Wayfair Mountain Entertainment. Pagdating mo doon mamaya, sabihin mo lang pangalan mo sa kanya at ipaalam mo sa kanya na ikaw ang second boss!”
“Ah...”
“Sige, sige, ‘yun lang. May kailangan pa ako puntahan kaya ibababa ko na ang tawag!”
Beep beep beep.
Hawak ni Gerald ang telepono at wala siyang masabi pagkatapos ng mga pangyayari.
Hindi pa siya nakakarating sa Wayfair Mountain Entertainment kahit kailan at hindi niya alam kung ano ang aasahan.
Huminga ng malalim si Gerald bago nagtawag ng taxi at pumunta diretso sa Wayfair Mountain Entertainment.
Nagawang ipagsama ng Wayfair Mountain Entertainment ang kainan, aliwan, at tirahan sa loob ng isang building.
Isa itong napakaling manor sa gilid ng bundok sa Mayberry Commercial Street.
Inangat ni Gerald ang kayang ulo bago naglakad patungo sa manor...
“Sir, sandali lang po!”
Hindi inaasahang pipigilan si Gerald ng ilang magagandang babae sa sandaling makapasok siya sa manor.
“Sir, may nireserve po ba kayo dito ngayong araw?” agad na tinanong ng isa sa mga babae habang tinitigan si Gerald.
Ang mga babaing ito ang responsable sa lahat ng pagtanggap sa mga bisita sa front hall at sanay na sila na tumanggap ng mga VIP na bisita.
Ngunit, simple lang ang pananamit ni Gerald kumpara sa ibang mga mayayaman at makapangyarihan na madalas bumisita.
Kahit na may pagkamuhi sa mga mata ng mgababae, naging magalang padin sila kay Gerald.
“Wala akong nireserve pero nandito ako dahil may makipagkita sa isang tao,” sagot ni Gerald habang nakangiti.
Sa mga sandaling iyon, tinignan niya ang mga magagandang babae sa kanyang harapan at naintindihan niya kung bakit kinukunsidera itong isang fairy tale sa Mayberry City.
Tila mukhang kakatapos lang sa kolehiyo ang lima o anim na mga receptionist.
Lahat sila ay magaganda ang hitsura at katawan na parang isang modelo.
“May hinahanap ka? Sinong hinahanap mo?”
Hindi mapigilan ng mga babae na mapasimangot ng marinig ang mga sinabi ni Gerald.
Sa mga sandaling iyon, nagbago ang tono ng kanilang boses.
“Nandito ako para makipagkita kay Zack.”
Alam ni Gerald na mababa ang tingin sa kanya ng mga babae ngunit sinabi parin niya ang katotohanan.
Pagkatapos marinig ang mga sinabi ni Gerald, nagtinginan ang mga babae.
Makipagkita kay Mr. Lyle?
Kilala ba ng pobre na ito kung sino si Mr. Lyle?
Sino ba siya para makipagkita sa kanya si Mr. Lyle dahil lang ginusto niya?
Sa mga sandaling iyon, nagdesisyon sila na isang pobre lang si Gerald na nagpunta dito para maranasan kung paano maging isang mayaman.
Dahil ang Wayfair Mountain Entertainment ay isang sikat na lugar na hindi nila kailanman mapupuntahan.
Marami din na ibang katulad ni Gerald na pumupunta dito upang sabihin na mayroon siyang hinanap dahil lang gusto nila magtingin-tingin sa manor.
Subalit, hindi parin nila gustong tanggihan siya agad.
Graduate ng kolehiyo ang mga babaeng ito. Sa sandaling iyon, kahit na nandidiri sila kay Gerald sa kanyang mga sinabi, nanatili silang mapagkumbaba at marespeto.
“Sir, kailangan niyo po magkaroon ng appointment kung gusto niyo makita si Mr. Lyle. Kung pwede po umalis na kayo kung wala po kayong appointment para makiapgkita sa kanya.”
Sa sandaling iyon, naintindihan ni Gerald ang iniisip ng mga babae na gusto niya lang magtingin-tingin kaya siya nagpunta doon.
Inisip niya tawagan si Jessica para tawagan si Zack para sa kanya.
“Miss Jane, anong ginagawa mo? Ngayon ko lang napagtanto na kahit sino nalang pala ang pwede pumasok sa Wayfair Mountain Entertainment.”
Isang binata ang nagsalita na nakaayos ang buhok at may suot na magarang damit habang may kasamang babae na naka ubod ang palamuti at nakasuot marangyang damit.
Tinignan ng binata si Gerald ng may halong pandidiri habang ngumiti sa receptionist.
“Sebastian, akala ko ba sinabi mo na itong ang pinaka magarang lugar dito sa Mayberry City? Bakit nandito ang isang katulad niya?” Malanding tinanong ng babae sa kanyang tabi.
May ilang tao na ganito pinanganak at walamng kakayanan na ipakita ang kanilang nararamdaman na walang halong sarkastiko o pag-uyam.
Agad na humingi ng tawag ang lead receptionist na si Jane sa binata at sinabi, “Pasensa na po Mr. Lewis. Aaksyunan po namin ito agad-agad din.”
Ngumisi si Sebastian bago sumagot, “Buti naman. Nagpaplano ako na dalhin dito ang mga kaibigan ko mula abroad dito mamaya at sa tingin ko na itong manor ang tunay na simbolo ng Mayberry City. Kaya sa palagay ko hindi niyo bababaan ang estado ng lugar na ito ng walang rason. Miss Jane, sana naiintindihan mo na isang matalik na kaibigan ng tatay ko ang boss niyo na si Mr. Lyle, at madalas silang magkasama kumain.”
Agad na nagmukhang kagalang-galang si Sebastian ng bangitin si Mr. Lyle.
Nang marinig ng babae sa kanyang tabi na kakilala ni Sebastian si Zack, agad siyang napangiti dahil isang makapangyarihan na katauhan si Mr. Lyle sa Mayberry City at hindi niya inakala na maraming koneksyon si Sebastian.
Sa sandaling iyon, nakatingin din ang lahat ng magagandang babae sa counter kay Sebastian dahil nangangarap sila na mukaha ang kanyang attensyon.
Agad na tumango si Jane bago sumagot, “Opo, naiintindihan ko Mr. Lewis.”
Pagkatapos nito, seryosong ang mukha ni Jane ng tumingin kay Gerald.
“Sir, kung maaari lang po na umalis agad kayo. ‘Wag po kayo magdulot ng problema sa amin. Kung hindi, mapipilitan ako tumawag ng security!”
“Okay. Lalabas lang muna ako para tumawag.”
Huming ng malalim si Gerald bago naglakad palabas ng manor. Inilibas niya ang kanyang cell phone mula sa kanyang bulsa habang naglalakad palabas.
“Lintik na yan! Lakas magpanggap,” mayabang na sinabi ni Sebastian.
“Huwag po kayo magalit Mr. Lewis. Madalas po nangyayari ang ganito dito sa Wayfair Mountain Entertainment.”
Agad na humingi ng pahinon si Jane kay Sebastian habang nakangiti.
Agad na tumango si Sebastian bago sinabi, “Oh. Nandito na ang mga kaibigan ko. Bakit hindi ka sumama at mag-inom ng kaunti kasama namin?”
“Pupunta ako kung magkakaroon ng pagkakataon, Mr. Lewis,” sagot ni Jane.
Tumingin si Sebastian kay Jane na may bahid ng kamanyakan sa kanyang mukha bago tumango. Pagkatapos ay kinuha ang kanyang wallet sa kanyang bulsa bago naglakad patungo sa front dest para bayaran ang kanyang kwarto.
Pagkatapos nito, tumingin ang grupo ng mga babae kay Jane ng may halong inggit habang tinanong, “Jane, kilala mo si Mr. Lewis?”
Taas noong tumango si Jane at sinabing, “Syempre, lahat tayo nagtrabaho dito pagkatapos magtapos sa kolehiyo. Anong punto ng pagtatrabaho bilang isang receptionist kung hindi natin susubukan na makipagkilala sa mga mayayaman katulad ni Mr. Lewis?”
“Nakita mo ba yung malanding babae sa tabi niya kanina? Isa siyang second-rated na aktres... Ang pamilya ni Mr. Lewis ay nakatuon sa real estate business at ang pamilya nila ay may net worth na higit sa two billion dollars!”
“Wow! Kaya pala magkakilala ang tatay niya at ang atin boss na si Mr. Lyle. Lumalabas na mataas din pala ang net worth ng pamilya ni Mr. Lewis!”
Hindi mapigilan na tumitig ng mga receptionist sa likuran si Sebastian dahil sa pagkahumaling nila sa kanya.
“Hahaha. Alam niyo ba na yung lalaki lang kanina ay pumunta dito para makipagkita kay Mr. Lyle? Busy ngayon si Mr. Lyle makipagusap sa chairman ng Mayberry Chamber of Commerce. Sobrang katawa-tawa ng lalaking ‘yon...” Sagot ni Jane habang tumatawa.
Pagkatapos ay naghanda na si Jane na lumapit kay Sebastian para makipagusap muli.
Subalit ng paglingon niya, nakita niya na ang lalaking pinalabas nila ay muling pumasok sa loob.
“Bakit pumasok ka nanaman dito?”
Laking gulat ni Jane.
Nandidiring tinignan di ng iba pang mga babae si Gerald.
Kabanata 6
Sa mga sandali ding iyon, sa pinaka-magarang silid sa manor, isang lalaking may edad na may kamangha-manghang aura ang nakikihalubilo sa isang grupo ng mga negosyante.
Siya ang may-ari ng Wayfair Mountain Entertainment sa Mayberry Commercial Street at ito ang dahilan kung bakit siya ang naging pinakamayaman sa Mayberry City.
Subalit, nagulat ang lahat sa mga sandaling iyon.
Ito ay dahil sa sandaling sagutin ni Mr. Lyle ang telepono, napatayo siya sa pagkagulat bago siya agad-agad na tumakbo palabas ng silid.
“Anong nangyari kay Mr. Lyle?”
Hindi maintindihan ng lahat ang mga pangyayari.
Sa may front desk, hindi pa nakakapasok si Sebastian sa kanyang kwarto ng makita si Gerald na muling pumasok sa manor. Hindi niya mapigilan na gumawa ng aksyon para paalisin si Gerald.
“Miss Jane, bakit hindi ka tumawag ng security? Wala ng ibang paraan para mapaalis ang ganitong klaseng tao!”
Ngumisi si Sebastian kay Gerald.
Tumango si Jane bago nag tawag ng ilang security guard.
“Teka!”
Sa mga sandaling iyon, agad agad lumabas si Zack patungo sa front hall.
Laking gulat ng lahat!
“Lyle...Mr. Lyle?”
Kitang-kita sa pagmumukha nila Jane at ng iba pang mga babae ang pagkagulat.
Agad na marespetong bumati si Sebastian kay Zack. “Hello, Uncle Lyle. Ako si Sebastian Lewis at si Jacob Lewis ang tatay ko. Nagkita tayo nung huling reception.”
Agad na naglakad si Sebastian upang batiin si Zack.
Sa hindi inaasahang pangyayari, hindi man lang siya binigyan ng pansin ni Zack.
Subalit, nagdire-diretso siya ng lakad patungo kay Gerald.
Naitulak niya pa sina Jane at iba pa sa pagmamadali.
“Ikaw ba si Gerald?” Magalang na tinanong ni Zack.
Tumango si Gerald. “Oo, ako si Gerald.”
“So kilala mo si Jessica?”
“Kapatid ko siya!” Agad na sagot ni Gerald.
Yumuko si Zack sa harapan ni Gerald para magpakita ng paggalang.
“Hello, Mr. Crawford. Ako po si Zack!”
“Okay.”
Laking gulat ni Jane at ng lahat ng tao sa mga pangyayari.
Laking gulat din ni Sebastian sa mga sandaling iyon.
Nagpakita ng galang si Mr. Lyle sa harapan ng pobreng iyon?
Sina ba siya talaga?
Hindi din makapaniwala si Gerald sa mga sandaling iyon. Alam niyang ang kapatid niya ang boss ng commercial street ngunit walang siyang ideya na malakas ang presensya ng kanyang kapatid sa lugar na ito. Hindi siya makapaniwala na makapangyarihan ang kanyang kapatid upang mabigyan ng ganitong pag-trato mula kay Zack!
Sa katotohanan, hindi padin sanay si Gerald sa buhay ng isang second-generation rich kid!
At saka, hindi padin siya makapaniwala na siya ang nagmamay-ari ng commercial street na ito.
“Opo, Mr. Lyle. Inutusan ako ng kapatid ko na magpunta dito para pumirma,” sagot ni Gerald.
“Yes, Mr. Crawford, kailangan namin ikaw na pumirma sa renewal contract. Ang buong commercial street, kabilang na ang manor na ito, ay pagmamay-ari niyong magkapatid. Matagal na kitang gusto bisitahin pero hindi ako pinayagan ng iyong kapatid.”
Agad na pinunasan ni Zack ang pawis sa kanyang noo.
Masayang masaya siya na magalang si Gerald sa kanya.
Subalit, napatunganga sina Jane at Sebastian sa mga sandaling iyon.
Ano?
Ang pobreng iyon ang nagmamay-ari ng Mayberry Commercial Street?
Siya ang tunay na nagmamay-ari ng Wayfair Mountain Entertainment?
“Sabihin niyo sakin! Sinong nagtaboy palabas kay Mr. Crawford kanina?” Tanong ni Zack pagkatalikod niya habang tinitignan ang lahat ng tao sa paligid.
Ang pagkakakilalanlan ng tunay na nagmamay-ari ng Wayfair Mountain Entertainment na si Jessica ay napaka-espesyal at siya ang tanging rason kung bakit natamo ni Zack ang kanyang buhay ngayon!
Ngayon, halos ipagtabuyan ng kanyang mga tauhan ang ikalawang boss palabas ng sarili niyang building!
Kapag nalaman ito ni Jessica, siguradong babalik siya sa dati niyang miserableng pamumuhay!
Sobrang nataranta si Jane sa mga sandaling iyon at nanatiling siyang nakayuko at nawalan ng lakas ng loob na tumingala o magsalita pa.
Sa mga sandaling iyon, nagdududa parin si Sebastian sa pagkatao ni Gerald. “Uncle Lyle, sigurado ka ba na hindi ka nagkakamali? Paanong ang pobreng iyan ang nagmamay-ari ng Mayberry Commercial Street?”
Slap!
Malakas na sinampal ni Zack si Sebastian ng marinig ang kanyang mga sinabi. “T*rantado! Anong sinabi mo?”
“Sorry Uncle Lyle. Wala akong sinabi...”
Ginamit ni Sebastian ang kanyang kamay upang takpan ang kanyang mukha at napuno siya ng poot sa mga sandaling iyon.
Kahit na nanggaling din siya sa isang mayaman na pamilya, hindi siya maikukumpara kay Zack.
“Men, palabasin niyo ang lalaking ito ngayon din!”
Agad na inutusan ni Zack ang mga security guard.
“Yes, sir!”
Isang grupo ng mga security guard ang agad lumapit bago itulak sina Sebastian pati na ang second-tier na aktres palabas ng manor.
Sobrang nakakahiya! Nakaramdam ng sobrang kahihiyan ngayong araw si Sebastian!
Pinanuod ni Gerald ang mga pangyayari ngunit nanatili siyang tahimik.
Hindi niya inaasahan na napaka-tapat ni Zack kahit na tila sobrang makapangyarihan niya!
Ahh!
Pagkatapos nito, sinundan ni Gerald si Zack papasok ng manor.
Agad na ipinakita ni Zack kay Gerald ang buong manor bago niya ipakilala ang kanyang sarili.
Sa mga sandaling iyon, naintindihan na ni Gerald na dating nagtitinda ng tinapay sa isang maliit na tindahan si Zack at kanyang asawa.
Katulad niya, napakahirap din ni Jessica ng mga panahon na iyon.
Noong mga panahong iyon, walang kapera-pera si Jessica at manglilimos na ng pagkain kina Zack at kanyang asawa nang bigyan nila si Jessica ng trabaho.
Pagkalipas ng ilang panahon, nang makaahon si Jessica sa kahirapan naging napakayaman, siya ang nagbigay kay Zack ng posisyon niya ngayon.
Kaya ang natatanging rason kung bakit naging napakayaman at makapangyarihan ni Zack sa Mayberry City ay dahil sa pamilyang Crawford!
Pagkatapos ay pinirmahan ni Gerald ang renewal contract at nalaman niya na ang karamihan sa mga negosyo sa Mayberry Commercial Street ay sa kanya nakapangalan. Kaya maaring masabi na siya ang nagmamay-ari ng buong Mayberry Commercial Street.
Hindi kailanman pinangarap ni Gerald na siya ay magiging isang makapangyarihan na indibidwal!
Pagkatapos ay dinala ni Zack si Gerald sa isang pribadong silid.
Dahil hindi pa kumakain si Gerald buong araw, nakaramdam siya ng gutom sa mga sandaling iyon.
Habang kumakain si Gerald, ngumiti si Zack at sinabi, “Mr. Crawford, please enjoy your meal. Pagkatapos niyo kumain, dadalhin ko po kayo para bisitahin ang iba niyo pang mga negosyo. Inutos po sakin ito ni Miss Crawford dahil gusto niya na maging pamilyar kayo sa mga industriya ng inyong pamilya sa lalong madaling panahon
Agad na may sumagi sa isip si Zack.
“Saglit lang po, babalik din ako kaagad Mr. Crawford.”
Pagkatapos noon, lumakad palabas ng silid si Zack upang tumawag at isang bagay lang ang kanyang sinabi, “Gusto ko na umakyat kayong lahat dito.”
Pagkatapos ay agad siyang bumaba.
Hindi alam ni Gerald kung anong pinaplano ng manager na si Zack. Ang alam niya lang ay nagugutom siya at agad niyang kinain ang malaking Australian abalone na inihanda sa kanyang mesa.
Walang iniintindi si Gerald kundi kumain ng biglang bumukas ang pintuan ng kanyang private room.
Pagkatapos ay may pumasok na anim na magagandang babae sa silid.
Iyon ay sina Jane pati na ang iba pang mga babae sa reception.
Sa mga sandaling iyon, ibang-iba na ang tingin nila kay Gerald.
Agad din ngumiti si Jane kay Gerald bago sabihin, “Mr. Crawford, patawad po sa mga nangyari kanina.”
“Patawad po Mr. Crawford!”
Agad na dugtong ng iba pang mga babae.
“Anong ginagawa niyo dito?”
Agad na pinunasan ni Gerald ang kanyang bibig pagkatapos kumain.
Sa katotohanan, kahit na mababa ang tingin sa kanya ng mga babae sa front desk, hindi nagtanim ng sama ng loob si Gerald sa kanila.
Sa halip ay ginusto niya lang na tapusing ang mga inutos sa kanya ng kanyang kapatid sa lalong madaling panahon.
Pagkatapos ay aalis na agad siya.
Ngunit, tila pinagalitan na ni Zack ang mga babae.
“Nandito kami para pagsilbihan ka Mr. Crawford. Gagawin namin ang lahat para sayo mapatawad mo lang kami Mr. Crawford,” sagot ni Jane.
Isa lang ang rason kung bakit nagtatrabaho ang mga magagandang babae sa Wayfair Mountain Entertainment, at yun ay makapangasawa ng isang mayaman.
Kaya hindi nila palalampasin ang oportunidad na binigay sa kanila ni Mr. Lyle upang mapatawad at upang magkaroon ng relasyon kay Gerald.
Bagama’t hindi taos-puso ang paghingi nila ng patawad, agad agad parin sila nag presenta.
Ano ba ang isang mayaman?
Ang lalaking nakatayo sa kanilang harapan ngayon ang isang tunay na mayaman! Siya ang pinakamayaman at pinakamakapangyarihan sa lugar na ito!
Nagulat si Gerald ng marinig ang kanyang paliwanag.
Silang anim?
Sobrang nakakagulat ang mga pangyayari.
Napatunganga si Gerald. Sa mga sandaling iyon, naglabas si Jane ng isang remote control bago niya ito itapat sa pader.
Pagkatapos ay naghiwalay ang buong cloth wall na parang kurtina at ang bumulaga kay Gerald ay isang malaking indoor swimming pool.
May isa pa palang sikreto sa silid na ito!
Pagkatapos ay hinubad ng lahat ng babae pati na si Jane ang kanilang mga palda.
Inalis din ni Janes ang kanyang suot-pantaas habang umupo sa tabi ni Gerald.
Bago mawalan ng kontrol si Gerald at bumigay sa pang-aakit, tumunog ang kanyang telepono.
Tumatawag ang kanyang kapatid.
Nahimasmasan si Gerald at sinabi, “’Dear ladies, lalabas lang ako saglit.”
Pagkatapos ay agad-agad tumakbo palabas ng silid si Gerald.
Natuklasan niya na tumawag ang kanyang kapatid upang magtanong tungkol sa renewal contract. Pagkatapos sinabi din ni Jessica kay Gerald na masanay na mabuhay na isang mayaman at kalimutan na ang pagiging isang mahirap.
Pagkatapos ibaba ang telepono, inisip ni Gerald kung dapat ba siyang bumalik sa silid.
Habang nag-iisip, bigla niyang naalala ang mga araw na sila pa ni Xavia. Noong mga panahong iyon, mahal na mahal niya si Xavia at iyon ang rason kung bakit nirespeto niya si Xavia at walang sekswal na nangyari sa pagitan nila.
Hindi mapigilan ni Gerald na masaktan ng maisip si Xavia.
Kung malaman ni Xavia na mayaman na siya ngayon, magbabago kaya ang kanyang isip at makipagbalikan sa kanya?
Ugh!
Bigla niyang naisip ang mga sandaling magkahawak ang kanilang kamay habang naglalakad sa cafeteria, sa library, at sa lahat ng pagkakataon na magkasama silang dalawa.
Sa mga sandaling iyon, nawalan ng sigla si Gerald dahil hindi niya gusto na mawalan ng rason ang kanyang ‘first time’.
Pagkatapos ay nagpasya si Gerald na hindi na bumalik sa silid at tinawagan niya si Zack upang ipaalam na mauuna na siyang umalis.
Pagkatapos umalis sa manor, naglakad-lakad si Gerald palibot sa Mayberry Commercial Street ng magisa.
Lahat ng naglalakad sa commercial street ay mga kabataan na may magagarang pananamit o mga boss na lumalabas-pasok sa iba't-ibang gusali.
Siya ang nagmamay-ari ng Mayberry Commercial Street! Hindi na dapat mas mababa ang tingin niya sa sarili niya kumpara sa ibang mga tao!
Kinailangan ni Gerald na ipaalala ito sa kanyang sarili.
Sa mga sandaling iyon, nakarinig siya ng isang pamilyar na boses.
“Gerald!”
Nang tumalikod si Gerald, nakita niya si Naomi at Alice na nakatayo sa harapan ng isang karaoke bar.
Bukod dito, nakita niya din sina Danny, Blondie at iba pang mga kalalakihan.
“Gerald! Ikaw nga talaga! Akala ko ba sabi mo babalik ka na sa dormitoryo? Bakit nagpunta ka sa Mayberry Commercial Street? Niloloko mo ba ako?”
Nagmadaling lumapit si Naomi kay Gerald bago galit na nagtanong.
Napatunganga nalang si Gerald.
I-click ang "install now" para i-download ang app at hanapin ang "9800" para basahin ang buong aklat!
No comments:
Post a Comment