Monday, December 19, 2022

Less visit.

 Q - My small family has been vacationing with relatives in California almost every 2-3 years for quite a time now. Pinag-iipunan po namin yan. Over time, para pong patabang nang patabang ang treatment nila sa amin? 

A - Tumigil na kayo nang kagagarahe sa bahay nila bago hindi lang tumabang kundi baka umalat o umasim o umanghang pa ang trato nila sa inyo.

Bakit naman ninyo ginagawang airbnb ang mga kamag-anak? Mag-hotel kayo kung ibig nyong magbakasyon; wag kayong makitira. Kung walang budget, stay home---in your own home. 

Siguro nung una, sweet talaga sila dahil una lang ---pero kung paulit-ulit, siempre abala na kayo. Lalu na kung wala sila sa mood o pagod o may pinagdaraanan. Be sensitive. Wag maang-maangan for selfish gain.

Unless you are super duper wagas loving to one another, and unless they are the ones who insist on inviting you (which means they are in the mood and are up to playing host),

REMEMBER:

THE LESS/SHORTER THE VISIT, 

THE MORE WELCOME.

NO VISIT = MOST WELCOME.

Kailangan pa bang imemorize yan?

No comments: