Tuesday, September 19, 2023

Maging matapat sa bawat gagawin.

 Simple lang ang Rules natin dito mga kaibigan.


Lahat lang ng ayaw nyong gawin sa inyo, wag din ninyong gagawin sa kapwa nyo.

Walang shortcut sa pag gagawa ng sasakyan, i- check mabuti lahat ng pyesa, Wag kayo manloloko, wag kayong magnanakaw, wag kayong magpapa palit ng pyesa na hindi naman talaga kailangan palitan, kung hindi kaya ang problema magsabi lang at wag sarilihin, gawing mabilis at pulido ang serbisyo sa kapwa at maging magalang sa lahat ng oras. 

Lahat lang ng mabuting bagay na naiisip nyo, yun ang gawin ninyo sa kapwa nyo. 

i- Expect nyo na hindi lahat ay mapapasaya mo dahil may mga taong sadyang negatibo kahit anong gawin mo hindi mo sila mapapasaya kahit walang bayad ang serbisyo mo, ang mahalaga ay ginawa mo ang makakaya mo. Ipaubaya mo nalang sa mas magaling na mekaniko. 

May kanya kanya tayong experience at kaalaman, meron mga na experience ang galing abroad, meron din mga galing casa, meron din sanay sa mga truck sa probinsya at meron din mekanikong galing sa kalsada pero malupit tumirada. 🛠️

Magtulungan kayo at mag palitan ng kaalaman dahil walang pinaka magaling satin, lahat ay marunong lang at natututo tayo araw-araw. 🙂 

Nasa likod ng mga gate na yan ang mga tao at naghihintay ng magandang serbisyo, buksan nyo na at galingan natin sa araw na ‘to! 🛠️❤️

Sharing is Caring

No comments: