Lumabas na ang resulta ng ikatlong pinakamahirap na ipasang pagsusulit ng PRC, gaya na inaasahan ni hindi umabot ng kalahati ang bilang ng mga pumapasa rito. Mula sa higit siyam na libo, tatlong-libo lamang ang pinalad na makapasa.
Nanguna si John Elrich Gamboa ng UP Diliman, maging ang lahat ng 60 na kumuha mula sa UP Diliman ay pumasa o 100%, sumunod ang Bicol University-Daraga na may 53 na pumasa o 88.33%.
15 ang kabuuang mga Topnotchers o mga pasok sa Top 10 na pinakamataas na markang nakuha ng May 2025 CPA Licensure Examination, 6 mula sa NCR, 4 mula sa mga probinsya ng Luzon, 4 mula sa Mindanao at isa mula sa Visayas.
Muling sasabak ang mga 'di pinalad sa October, 2025 CPALE. Sa Pilipinas ang sahod ng mga bagong CPA ay 20,000-30,000 pesos.
Narito ang sampung exam na pinakamahirap ipasa.
1. Bar Exam (Law) (Supreme Court)
2. Physician Licensure Examination (Medical Doctor)
3. Certified Public Accountant Licensure Exam
4. Electrical Engineering Board Exam
5. Mechanical Engineering Board Exam
6. Civil Engineering Board Exam
7. Architect Licensure Exam
8. Electronics and Communications Engineering Board Exam
9. Chemical Engineering Board Exam
10. Geodetic Engineering Board Exam
No comments:
Post a Comment