Thursday, February 12, 2026

Pagbintang

PINAGBINTANGAN ANG NANAY KO NA SIYA ANG KUMUHA NG 10,000 SA KASAL NG PINSAN NAMIN PERO NUNG NALAMAN KO ANG TOTOO N4SUNTOK KO SA BUNGANGA ANG TITA KO...

Ako po si Kwinay, 23 years old, nag-aaral palang sa College.
Hanggang ngayon hindi ko makalimutan ang nangyari sa wedding ng pinsan ko nung December.

This happened sa kasal ng pinsan ko sa isang event place sa Antipolo. Hindi ito simpleng handaan, bongga siya at maraming bisita.
Ininvite kami ng pinsan ko, gusto kasi nila tumulong si Mama sa kasal.
Okay lang naman, hindi nagreklamo si Mama dahil nung kasal daw nila ni Papa e tumulong din sila noon.

Maganda yung wedding at maayos yung buong program. Yung outfit ni Mama simple dress lang na binili niya sa palengke pero plantsado nang maayos.
Nandoon lang siya sa gilid, nakangiti, proud sa pamangkin niya. Tumutulong din mag-ayos sa table.

After ng wedding program, habang nag-aayos ng gifts sa bridal room, biglang may commotion. May nawawalang 10,000 pesos.
Hindi pa malinaw kung saan galing, kanino, paano nawala. Ang alam lang, may sobre na inilapag muna sa table habang inaayos ang envelope box.

Then biglang may nagsabi…
“Siya ang huling lumabas dito.” (sabay turo kay Mama)

Boses ni Tita Krys.
Sister-in-law ng Mama ko.

Alam mo yung tono na parang may hawak na CCTV footage kahit wala naman? Ganun.

Si Mama, halatang nagulat.
“Ha? Bakit ko naman kukunin yan.”

Pero imbes na tanungin kung may CCTV ba sa area, kung may ibang pumasok ba, kung may nakakita ba, ang naging suggestion agad ng bride at ng ilang kamag-anak.

“Bayaran na lang o ibalik ang pera para hindi masira ang gabi.”

Excuse me?
So ganun lang? Para ma-save ang aesthetic ng reception, may isang taong kailangang magmukhang magnanakaw?
Tinitigan ko sila isa-isa. Wala ngang ebidensya.
Pero may hatol na.

At syempre, sino ang pinakamadaling ituro?
Yung simpleng nakapalda na hindi branded malamang. Yung walang kotse sa parking. 

Nakita ko si Mama na umupo sa gilid. Nakayuko. Paulit-ulit sinasabi,

 “Kahit kapkapan niyo ako, wala kayong makukuha, dahil hindi ko naman kinuha.”

Alam kong kaya niyang magalit. Pero pinili niyang maging kalmado dahil kasal iyon. Ayaw niyang masabihan na siya pa ang gumawa ng eksena.

Ako? Hindi ako ganun ka-santo.
Dinala ko siya sa labas ng venue. Umupo kami sa may tricycle sa tabi ng gate. Doon siya umiyak. Yung iyak na punong-puno ng hiya at sakit.

Tumulong na nga, pinagbintangan pa.

After almost two hours na nasa labas kami, akala ko kami na ang permanent villain sa family lore, pero may lumapit sa amin.

Si Tita Nikka, kapatid ni Tita Krys.
Mukha siyang kinakain ng konsensya.

Inamin niya na narinig niya mismo kay Tita Krys bago nagkagulo na nagsabing “hihiramin lang muna” ang pera na 10k dahil may emergency daw siyang babayaran. Ibabalik niya rin agad.
Pero hindi na niya naibalik dahil nagka-issue na.

Hindi kinaya ng konsensya ni Tita Nikka kaya nagsalita siya.

Bumalik kami sa loob.
Diretso ako kay Tita Krys. Hindi ako nagpa-drama. Tinanong ko lang siya sa harap ng ilan sa kanila,

“Diba ikaw ang kumuha Tita?”

Una, nag-deny pa siya. Pero nung nabanggit ko na may nakarinig sa kanya, na may witness ako na siya ang kumuha, nagmatapang pa.

 After ilang segundo, inamin din niya.
Oo, siya ang kumuha.

Bigla akong nakaramdam ng init sa tenga. Hindi ko na in-analyze kung tama ba o mali. N4suntok ko siya sa bunganga. Isang solid na sunt()k. Pang-anak na pinagtanggol ang nanay na sunt()k.

Nagkagulo na agad dahil sa ginawa ko. Inawat ako at sinabing tama na.

Pero alam niyo ang mas masakit?
Walang collective apology kay Mama.
Walang nagsabi ng “Nagkamali kami.”

Parang nag-reset lang ang scene at nagpatuloy ang kasal. Pero sa amin, hindi na siya simpleng incident.
Sinabi ko kay Mama na hindi na tayo sasama sa kahit anong okasyon ng mga pinsan namin. Dahil hindi kami default suspect kapag may nawawala.

Nakakatawa no? Sa isang kasal na puno ng vows about love and respect, doon ko nakita kung gaano kabilis mawala ang respeto kapag hindi ka nila ka-level.

Hindi 10,000 ang ninakaw sa amin.
Dignidad ng nanay ko ang muntik nilang ilibing.
At kung may magtanong kung nagsisisi ba ako sa suntok?
Hindi. Proud pa nga ako e.
Pero kung babalikan ang gabi na iyon, mas pipiliin ko pa ring maging anak na marunong manuntok kaysa maging anak na nanonood lang habang binabastos ang nanay niya.

Hindi kami mahirap sa asal.
Mayaman lang kayo sa paghusga.



No comments: