Thursday, February 19, 2026

Ka landlord eto na.

Madalas ilagay sa Contract of Lease:

“Kapag hindi nakabayad si Tenant, puwedeng putulan ng kuryente at tubig.”

Pero ang tanong… legal ba ito?


๐Ÿ“Œ 1️⃣ Kung Naka-Pangalan sa Tenant ang Utility
๐Ÿ‘‰ HINDI ka puwedeng basta magpa-putol.

Kung ang kuryente at tubig ay naka-direkta sa pangalan ng tenant (direct sa Meralco o Water District),
wala kang authority na ipaputol ito.

✔️ Ang puwedeng magpa-disconnect ay ang utility company
✔️ Due process pa rin ang kailangan
✔️ Hindi pwedeng self-help remedy ang landlord

Kapag ikaw ang nagpa-putol kahit wala kang authority, maaari kang mademanda for:
 • Harassment
 • Illegal eviction
 • Damages

๐Ÿ“Œ 2️⃣ Kung Submeter at Ikaw ang Nagbabayad sa Main Line

Kung ikaw ang nagbabayad ng main bill at may submeter lang ang tenant:

✔️ Pwede mong ihinto ang serbisyo kung malinaw sa kontrata
✔️ Dapat may written notice muna
✔️ Dapat documented ang unpaid balance
✔️ Huwag biglaan

⚠️ PERO tandaan:
Kahit may clause sa kontrata, kung ang paraan mo ay oppressive o panggigipit, maaari ka pa ring mademanda.


๐Ÿ“Œ 3️⃣ Ano ang Mas Legal at Mas Ligtas na Gawin?

Mas safe para sa atin mga Landlord:
 1. ๐Ÿ“„ Magbigay ng Demand Letter
 2. ⏳ Bigyan ng palugit (ex. 3–5 days)
 3. ๐Ÿ“ฌ Kung hindi pa rin nagbayad, mag-issue ng Notice to Terminate Lease
 4. ⚖️ Dumaan sa proper eviction process kung kinakailangan

๐Ÿ‘‰ Tandaan: Hindi shortcut ang pagputol ng utilities.
Mas mahal ang kaso kaysa sa renta.


๐Ÿ’ก Landlord Tip

Kung gusto mo may leverage:

✔️ Ilagay sa kontrata na may late penalty
✔️ May interest on unpaid rent
✔️ May termination clause
✔️ May malinaw na rule sa utilities

Hindi pwedeng “walang libre tira” pero hindi rin pwede ang “illegal pressure.”


๐Ÿ”ฅ Final Advice para sa mga Ka-Landlord

Kung milyon ang pinuhunan mo sa paupahan,
mas lalo mong protektahan ang negosyo mo sa pamamagitan ng legal na proseso.

Hindi tayo nananakot.
Professional tayong Landlord.

No comments: