ANO PINAGKAIBA?
Isipin mo ha.
Dati ang kwento — May lalapit na sindikato. Kukuha ng “protection money.”
Kapag hindi ka nagbigay? Guguluhin ka.
Ngayon?
Magtitinda ka lang ng 70 pesos na ulam, nakabalot sa plastic labo, kailangan may resibo.
Kailangan rehistrado.
Kailangan may permit.
Kailangan updated.
Kailangan compliant.
Pag may kulang? Violation agad. Penalty agad.
Ang liit ng margin ng karinderya. 10 piso? 15 piso? Tapos may cut pa.
Tapos sasabihin — “Para sa serbisyo ng bayan.”
Tanong: Nararamdaman ba ng maliliit na negosyante ang proteksyon?
O pakiramdam natin — Kailangan muna natin magbayad bago tayo hindi galawin?
Hindi ako kontra sa tax.
Pero kontra ako sa sistema na parang pareho ang trato sa small negosyo at sa malalaking kumpanya.
Yung maliliit, hinihingan ng resibo sa 70 pesos.
Yung malalaki, bilyon ang usapan — wala kang marinig.
Kung gusto nyo ng tax? Sige. Pero wag nyong sakalin ang maliliit.
Dahil kapag nagsara ang karinderya, auto shop, talyer, sari-sari store —
Wala na kayong kukunin.
Hindi kami ATM. Hindi kami kalaban. Kami ang bumubuhay sa ekonomiya sa baba.
Big fish safe. Small fish raided.
Real talk lang.
#MSME #Negosyante #SmallBusinessPH #RealTalk #BuhayNegosyo

No comments:
Post a Comment