Ang ibig sabihin po nito, kahit ang naunang nagkasala po ay ang kabilang partido; 🤔
Kapag kayo po ang nagkaraoon ng huling pagkakataong makaiwas sa isang sakuna o gulo; 🤔
Ngunit pinili niyo paring huwag iwasan ito, at sinadya mo pang magkaroon talaga ng sakuna o gulo; 🤔
Mananagot parin po sa batas kayo. 🤔
At ang isang magandang halimbawa po ng doktrinang ito, ay ang nagviral na video ng banggaang ito. 🤔
Dahil napakalinaw po na ang naunang nagkasala dito ay ang nagmomotorsikolo, dahil nagcacounterflow po talaga ito. 🤔
Ngunit sa bagal po ng takbo ng Fortuner na nakasalubong nito, siya po ang may last clear chance na iwasan nalang sana ang aksidente dito. 🫡
Ngunit maliwanag po sa nakuhang video, na mas pinili pa po nitong huwag umiwas sa motorsiklo, at sinadya pa po nitong ipitin at pinahan ito. 🤔
At dahil po sa ginawa niyang ito, ang driver ng Fortuner pa po ang makakasuhan ng reckless imprudence resulting to physical injuries at damage to property sa nangyaring ito. 🤔
At dahil considered rin po as reckless driving ito, posible rin pong matanggalan ng lisensiya ang nasabing driver na ito. 🤔
Kaya inuulit ko po ang payo ko sa mga motorista sainyo. 🤔
Iwasan po nating dalhin ang ating galit at init ng ulo sa kalsada at sa pagmamaneho. 🤔
Dahil karaniwang ikapapahamak lang po natin ito. 🤔
Bagkus, kung mainit po talaga ang dugo ninyo sa mga kamoteng nagmomotor at nagmamaneho; 🤔
Magpalagay nalang po kayo ng dashram sa mga sasakyan ninyo. 🤔
At i-report po ninyo sa social media pages ng LTO, ang bawat kamoteng driver na makukuhanan po ninyo ng video. 🤔
Mag ingat po lagi tayo, alang alang po sa mga naghihintay sainyo sa pamamahay ninyo. 🫡
#attyg
#transportationlaw
#lastclearchance
#photocredittotherightfulowner
No comments:
Post a Comment