Wednesday, February 11, 2026

Acid reflux

 Alamin muna ang dahilan para mas madaling mahanap ang solusyon sa Acid Reflux.


Sa totoo lang, mas mahalaga ang lifestyle modifications kaysa puro gamot ang iniinom.


Kasi kahit anong gamot pa ang inumin, kung hindi babaguhin ang mga nakasanayan tulad ng pagkain, oras ng tulog, at daily habits, wala rin pagbabago at babalik at babalik din ang sintomas.


Anticipated question:

“Saan po nabibili ang lifestyle modifications?”


Sagot:

Hindi po ito nabibili sa botika, grocery, o online shop. Ito ay ginagawa, hindi binibili.


Kailangan itong isabuhay araw-araw… tamang pagkain, tamang oras ng kain, pag-iwas sa trigger foods, at maayos na tulog.


At kung makulit ka pa rin at tanong nang tanong… “Ambot sa imo, waray pisot!” … yan ang madalas sabihin ng yaya ko kapag makulit at paulit-ulit ang tanong ko. đŸ˜„




No comments: