Friday, February 13, 2026

Walang ipon bakit?

❗️3 dahilan kung bakit wala ka pa ring ipon
kahit mataas naman ang sahod mo❗️

Maraming tao ang nalilito dito.

“Okay naman sahod ko ah…
pero bakit parang
wala pa rin akong ipon?”

Hindi ka nag-iisa sa tanong na yan.

Maraming kumikita,
pero pare-pareho ang reklamo.

Ito yung 3 madalas na dahilan.

Una, lifestyle ang sumabay sa sahod.

Hindi ka yumaman.
Mas gumastos ka lang.

Nung maliit pa ang sahod,
Napagkakasya pa.

Nung lumaki,
sumabay ang kain,
gamit,
luho.

Hindi dahil maluho ka.
Kundi dahil sanay ka na lang
na kapag may extra,
ginagastos.

Pangalawa, huli ang ipon.

Bills muna.
Gastos muna.
Kung may matira, 
mapupunta sa ipon.

Ang problema,
madalas walang natitira.

Kaya buwan-buwan,
pareho ang eksena.
May kita,
pero walang naiipon.

Pangatlo, iisa lang ang pinagkukunan ng pera.

Sweldo lang.
Trabaho lang.

Isang problema lang sa trabaho,
butas agad ang bulsa.

Kapag na-delay ang sahod,
kapag nagkasakit,
kapag napagod ka na.

sabog lahat.

Hindi sahod ang problema.
Kung paano mo ginagamit ang pera.

At yan ang magandang balita.
Kasi yan ang kaya mong ayusin.

Hindi bukas.
Hindi kapag mas malaki na ang sahod.
Kundi habang may oras ka pa 👊👊👊

No comments: