Friday, February 27, 2026

Kung gaano kabulok ang sistema 2026 na.

KUNG GANO KABULOK ANG SISTEMA?

Hindi ka naman b*b*.
Hindi ka naman illiterate.
Pero pag pumasok ka sa proseso ng pagbabayad ng tax sa property?

Mapapaisip ka kung ikaw ba may mali
o yung sistema. 

Nagbenta ka ng property.
Magbabayad ka ng CGT.

Walang problema magbayad ng tax.
Ang problema yung bulok na proseso.

100+ BIR forms meron sila online.
Pag magbabayad ka
Iba-iba sasabihin sayo…
“0607 po.”
“Hindi, 2000-OT.”
Pag mali dala mo, sila pa galit.
As if dapat kabisado mo lahat.

Yung form?
Hindi downloadable sa Mac.
So pupunta ka sa BIR.
Tatlong computer.
Pila.
Ikaw magfi-fill out.
Puro technical terms.
Walang sample.
Walang guide.
Bahala ka.

Pag may technical issue?
Kahit sila hindi alam gagawin.

Akala mo tapos ka na?
Hindi pa.

The fun part. 
Print 3 copies.
Punta sa printing shop.
Punta sa bangko.
Over-the-counter.
Hiwalay pa yung bank.

Walang cashier sa BIR.
Walang magbibigay ng maayos na confirmation form.
May confirmation slip na nga sa system 
pero ikaw pa rin magfi-fill out ng bank form.

Sobrang hirap ba na sila na mismo mag-generate ng form
based sa sinubmit mong info?

Sobrang hirap ba na sila na magsabi:
“Ito po dadalhin niyo sa bank.”

Tapos para mas masaya?
Hahanapan ka pa ng email confirmation na galing din sa system nila. 
Print 3 copies ulit.
For what?

Pag bayad ka na?
Babalik ka ulit sa BIR.
At babalik ka ulit after a few days para sa eCAR.

Another byahe.
Another pila.
Another leave from work. 
Another wasted hours

2026 na.
May QR.
May digital payments.
May seamless checkout sa online shopping.
Pero sa tax?
Photocopy.
Tatlong pirma.
Sandamakmak na printed copies.
Tatlong pabalik balik. 

Compliance na nga ginagawa mo.
Magbabayad ka nalang ng tax. 
Hindi ka nga tumatakas.
Pero parang pinaparusahan ka pa for following the law.

Hindi ito tungkol sa ayaw magbayad.
Ito ay tungkol sa bakit kailangang pahirapan ang taong gustong sumunod.

Hindi ito senior-friendly.
Hindi ito citizen-friendly.
Hindi ito kahit sino friendly.

Kung ako ngang millennial na sanay sa systems,
nahilo.
Napagod.
Naubos.

Paano pa yung senior na gustong magbenta ng bahay?
Paano pa yung walang tech background?
Paano pa yung walang oras magpabalik-balik?

At sa totoo lang 
di mo talaga masisisi ang mga Pilipino kung bakit ayaw nila magbayad ng tax.

Abay… ang hirap mong mahalin, Pilipinas.

No comments: